Chapter 20

260 15 0
                                    

Yana's PoV

Paksyet talaga!!! Ang sakit!!

"Kaizer!!"

"K-kaizer naman e-eh... Wag ka m-muna sumu-muko... P-please... Ahh shit!!"

"Y-y-y-yana...."

"Kaizer!! Wag k-ka nang m-mag salita m-muna... P-please.."

"YANA!!!! KAIZER!!!!"

"Oh my god!! What happened!?"

"Kailangan ng madala sa ospital sila Kaizer!!! Bilis!!!"

Binuhat nila kami ni Kaizer papunta sa sasakyan na dala dala nila tsaka kami isinakay sa loob at dinala sa ospital.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Jan jan biglang hinawakan ni Kaizer ang kamay ko at nag salita..

"Y-yana... Ka-kahit anong.... Ma-mangyari w-wag mong.... K-kalilimutan na.... Na... Na mahal na mahal k-k-kita.."

"Kaizer naman wag kang magsalita ng ganyan.. Please.."

"Lagi mong tatandaan Yana... Na mahal kita... M-mahal na m-mahal..."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nawalan na sya ng malay.

"Kaizer!!! Kaizer!! Kaizer please... Please lumaban ka!!! Wag mo m-muna akong iwanan!! Please!!"

"Aliyah!!! Si K-kaizer!!!"

"Oh my gosh!! Babe bilisan mo!!"

"Kaizer!! Please.... Please d-don't.... L-leave me...."

                      **********

Aliyah's PoV

Nawalan din ng malay si Yana bago kami makarating sa ospital.

Ngayon nandito kaming lahat sa labas ng operating room at nag aantay kung anong magiging resulta.

Tinaman ng baril sila Yana at Kaizer.

Si Yana sa may tagiliran habang si Kaizer naman ay sa may dibdib. Buti ay hindi sa puso.

Lahat malungkot sa nangyari...

Si Yasi ay tulala sa upuan nya. Hindi makausap. Bigla bigla na lang iiyak. Masakit? Oo kasi pareho naming kaibigan ang nasa loob ng operating room. Kaya siguro ganyan ang nangyari kay Yasi.

Kanina habang nasa sasakyan pa kami ay narinig pa namin ang pag uusap ng dalawa.

Akalain mo nga naman. Umamin si Kaizer sa kanya. Kung kailan nasa panganib sila at nag aagaw buhay sya tsaka lang sya umamin. Nakakatuwa sana kaso hindi e.

Masaya sana kaso hindi...

Parang kanina lang nasa bar pa kami at nag iinom. Nakikipag away.

Parang kanina lang kasama pa namin sila Kaizer.

Tapos ngayon... Ito na yung nangyari...

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon