Chapter 43

172 9 0
                                    

"Sigurado kang dito ka lang? Ayaw mo talagang sumama?"

"Tsk! Ang kulit mo!! Sabi nang ayaw ko eh. Hindi ako sasama, dito lang ako."

"Sure ka talaga?"

"Yasi, ano ba?! Paulit ulit ka! Ayoko sabi!" Nakakairita! Kanina pa sya tanong ng tanong kung sasama ba ako. Paulit ulit, tsss.

"Okey, alis na ako. Bye." Hindi ko na siya pinansin at hinintay na marinig ang pagsara ng pinto.

Humiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Ano nang gagawin ko? Wala ng tao sa bahay, ako na lang. Wala sila mama.

"Tara, balik na tayo. Tinext na ko ni papa. Mukhang mapapaaga ang flight ko."

Tsssssss. Gusto nilang sumama ako? Para ano? Para mas ipaalam sakin na aalis na siya at iiwan niya na ako, ganon ba? Ang galing naman. Manhid ba sila? Hindi ba nila nakikita o nararamdaman na nasasaktan ako at mas masasaktan ako? Nakakainis!!

"Bwisit!!!!!!"

Napatingin ako sa cellphone ko nung umilaw yun.

Aliyah: 30 minutes left. You bitch!! Come here!!

Tss isa pa 'to. Bahala nga sila jan. Hindi ako pupunta dun.

Pero hindi mo na sya makikita ulit. Mag-aantay ka pa ng matagal na panahon bago kayo ulit magkita.

I don't care! Kaya kong maghintay. Kahit gaano pa katagal yan!

Talaga? Paano kung hindi na pala siya bumalik?

Babalik siya! Hindi nya ako iiwan basta.

Paano kung bumalik nga siya pero may kasama ng iba? Ikaw rin, pagsisisihan mo 'to.

What the hell!!! Bakit ba nakikipagtalo pa ako sa sarili ko!! Nakakainis! Nakakainis kasi talo ako. Ang daming natakbong pangyayare sa utak ko. Paano nga kaya kung... Kung...

"Ayy butiking palaka na ewan!" Napatalon ako nung magvibrate at tumunog nanaman ang phone ko.

"Ano? Hindi sabi ako pupunta! Bakit ba ang kulit nyo! Hindi ako pupunta jan!! Bye—"

"Yana..." Napatigil ako at napatulala saglit. Siya ba yung tumawag? Unti unti kong tiningnan ang screen ng cellphone ko at nakita ang pangalan nya. Dammit!!

"H-hello? Ano.. Kasi ahm, ano eh. Alam mo na, ha ha." Halos hindi ako makapagsalita ng tuloy tuloy dahil sa kaba.

Stupid. Stupid, Yana!!!

"Hindi... Ka talaga pupunta?" Mahinahong tanong nya. Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya. Tsk!!!

"Sige na, ibababa ko na. Ingat ka palagi. Wala na ako para bantayan ka, tsaka wag kang magpapalipas ng kain. Alagaan mo ang sarili mo, ha? Ngiti ka lang palagi. Wag kang iiyak. Mawawala kasi ako sa tabi mo. Wala ng papahid ng luha mo."

Nanatali akong tahimik at hinihintay lang ang sasabihin niya. Gosh!! Bakit feeling ko naninikip yung dibdib ko?

"Wag kang iiyak ha? Wag mo kong iyakan. At... Favor, wag ka sanang magparamdam sakin. Baka kasi mamiss kita, umuwi ako bigla hahahaha." Gusto ko sanang tumawa pero hindi ko magawa.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon