Nagtungo na ang mga panauhin sa haoag-kainan.Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin,na kung panoorin ay maihahalintulad sa isang komedya.
Si Padre Sibyla ay nasisiyahan,kabaligtaran naman ni Padre Damaso.Ito ay walang pakundangang nagdadabog at natamaan tuloy ang isang kadete.Hindi naman ito pinapansin ng Tenyente,bagkus ay masusing pinagmasdan nito ang kulot na buhok ni Donya Victorina de Espadaña.Hjndi tuloy niya namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya ng Donya,bagay na ikinagalit ng Donya.
Ang ibang bisita naman ay kanya-kanya ng nag-usapan at papuri sa masarap ng handa ng Kapitan.Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra,karapat-dapat na siya ay maupo sa Kabisera.
Pinagtalunan naman ng dalawang pari kung sino ang dapat maupo aa kabilang dulo ng kabisera.
Ayon kay Padre Damaso,si Padre Sibyla ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera dahil siya ang kura paroko ng lugar na iyon.Pumalag si Padre Sibyla at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang Padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
Sa kalaunan ay inialok ni Padre Sibyla ang upoan sa Tenyente,na tinaggihan naman ng huli.
Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tiyago ngunit magalang itong tumanggi.
Nang inihain na ang pagkain,hindi sinasadyang mapunta kay Padre Damaso ang di masasarap na bahagi ng manok tulad ng Leeg at pakpak.
Tinola ang handa dahil paborito ito ni Ibarra.
Lalo itong nag-alburoto sa mga pangyayari.Lingid sa kaalaman ng pari,ang espesyal na tinola ay para kay Ibarra.
Kasabay ng kainan ang mahabang usapan.Nagbahagi ang binata sa kanyang pag-aaral sa Europa ng 7 taon,aral ng kasaysayan at pag-unlad ng bansang ito,ang pagsasalita ng ibang wika,ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa at ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama.
Ang bagay na ito naman ay nagkumpirma sa hinala ng Tenyente na wala ngang alam ang binata.Binanggit ni Ibarra na sa mga bansang kanyang napuntahan,iisang antas lamang ang kabuhayan,pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang bansa.
Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan;at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi.
Magalang na tinanggap ni Ibarra ang salita ng Pari at binanggit na lamang ang mga alaala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama.
Hindi nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara,ang dalagang anak ni Kapitan Tiyago.
Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata.Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat