Si Kapitan Tiyago na ngayon ay mahigit kumulang sa 35 taon gulang,ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bahay ng Malabon.
Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong ng kanyang ama at naturuan naman siya ng isang paring Dominiko.
Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama,nakilala niya si Pia Alba mula sa bayan ng Sta.Cruz at sila ay nagpakasal.
Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo ang dalawa kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kaya't sila ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan.
Si Kapitan Tiyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki,may morenong pangangatwan,pandak at bilugan ang mukha.
Ang kanyang hitsura ay Sinira ng pananabako at pagnga-nga nito.
Naninilbihan siya bilang gobernadorcillo.Kasama sa kanyang paglilingkod ay hamakin ang Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain.
Itinuturing din ng Kapitan na siya ay Kastila at ang mga Pilipino ay Indio.
Sa Paniniwala ng Kapitan,ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.Kaibigan siya ng lahat ng makakapangyarihan,lalong lalo na ang mga pari.Kung kaya't di nawawala ang kanyang pangalan sa misa at pagdasal para bilhin ang langit.
Nabibili niya ang kabanalan at mga Santo na kanyang maibigan.
Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalan katulad nina Sta.Lucia,San Pascual Bailon,San Antonio de Padua,San Francisco de Asis,San Antonio Abad,San Miguel,Sto.Domingo ,Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag Anak(Hesus,Maria at Hosep).Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tiyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian,kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego.
Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.
Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa,sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkakaanak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata.Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta.Clara sa Nuestra Señora De Salambao.
Makalipas ang kunting panahon ay nagdalang tao na si Pia Alba(sa panghahalay ni Padre Damaso).
Ngunit ang babae ay naging masakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito manganak.Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel.
Binusog din siya ng pagmamahal ni Kapitan Tiyago at mga prayle.
Lumaking magkababata Sina Ibarra at Maria Clara,pati na rin ng kanilang mga kaibigan.Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta.Catalina ng ito ay naging katorse anyos.
Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng medisina.Si Kapitan Tiyago at Don Rafael Ibarra ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa Tamang panahon,bagay na di tinutulan ng dalawa sapagkat nagmamahalan naman sila.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat