Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon.
Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso.Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari.
Bubulong-bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan.Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng pari.
Bagkus ay sinabi kaagad nito ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang Kapitan.
Dito ay sinabi niya ay hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya ang Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria.
Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga kay Ibarra.Sinabihan din nito ang Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang kaaway.
Nakumbinsi ng pari ang Kapitan kaya't pag alis nito ay pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.
Sa kabilang dako,nagtungo naman si Padre Sibyla sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel(the second).
Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit.Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan,katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago at ang pagpanig ng Tenyente diumano sa Kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang may sakit at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan.Natuto na rin aniya ang mga Pilipino sa pag hawak ng ari-arian.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat