Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementeryo kasama ang kanilang matandang katiwala.
Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael.
Ayon sa kanyang katiwala,ang libingan ay tinamnan nya ng bulaklak ng adelpa at sampaga.
Nasalubong nina Ibarra ang sepulterero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama.Pinagtapat naman ng sepulterero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng Intsik,ang bagay na pinag-utos ng kura paroko.
Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig.
Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Padre Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari.
Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.Ipinaalam naman ng huli Na ang may kagagawan nito ay si Padre Damaso.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClásicosBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat