Kabanata 46:Ang Sabungan

1K 6 1
                                    


Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon