Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

15.7K 19 1
                                    

Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon.
Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang pari.

Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa,kung si Padre Damaso ba o si Padre Martin o ang coordinator?

Napag-usapan ng mga matatanda ang pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo.

Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo.

Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan na dumating si Sisa para sa mga prayle.

Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura.

Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento.

Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto.

Napag-alaman niya na may sakit ang pari at hindi nya ito makakausap.

Nagimbal siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa.

Alam na ito ng mga guwardiya Sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang anak.

Tinuya rin siya nito na hindi siya naturan ng kabutihang asal ng magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon