Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan

3.7K 16 1
                                    

Mabibilang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.

Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit Na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.

Hindi kanilang dito sina Kapitan Tiyago,Don Rafael at ilang namumuno sa pamahalaan.

Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan,ang iginagalang ng lahat at pinagkaka-utangan ng marami,hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon.

Si Kapitan Tiyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,sinasalubong ng banda ng musiko,at pinagsisilbihan ng masarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng makapangyarihan.

Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o Kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor.

Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego?

Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at alperes na siyang puno ng guwardiya Sibil.

Ang kura paroko na si Padre Bernardo,ang batang Pransiskano na mukhang masakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso.

Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso,kung meron mang naging kabaitan ang pari.

Ang Alperes naman ay lasinggero,mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang tauhan.
Nakapag-asawa ito ng Pilipina,Si Donya Consolacion,na mahilig magkolorete sa mukha.

Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila,natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap.

Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon