Kabanata 33: Malayang Kaisipan

1.7K 12 0
                                    

Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito.

Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman.

Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon