Dumating si Kapitan Tiyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan.
Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin,at tulad ng kaugalian,humalik siya sa kamay ng mga pari.
Ang mga pari naman ay nabigla,lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang-galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra.
Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa.
Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito,isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.
Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata.
Lumapit ang Tenyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating.Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama,na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata.
Palihim naman na pagsulyap ni Padre Damaso sa Tenyente na tila ba nagbabanta.Dahilan upang tapusin ng Tenyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.
Nang malapit na ang hapunan,inaanyayahan ni Kapitan Tinong sa pananghalian kinabukasan si Ibarra.
Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng ama ni Ibarra.Magalang na tumanggi si Ibarra sapagkat patungo raw siya sa San Diego sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
KlasikBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat