Kabanata 12: Araw ng mga Patay

2.6K 16 0
                                    

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay o Todos Los Santos sa unang araw ng Nobyembre bilang alaala sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan.

Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan.

Makipot ang daan patungo sementeryo,maputik kapag tag-ulan at maalikabok sa tuwing tag-araw.

Maraming gumagalang manok,bibe,baboy at iba pang kahayupan sa sementeryo ngunit binubulabog ito ng dalawang lalaki dahil sa nasabing okasyon.

Ang isa sa mga lalaki ay panay ang hithit buga ng sigarilyo sapagkat itoy nangdidiri sa kasamahang naghuhukay.

Sinabihan nito ang sepulterero na kakalibing pa ata nitong hinuhukay nila at sabay nandiri ito.

Sinabihan naman ito ng sepulterero na para daw siyang tribunal sa selan at nagkuwento pa ito tungkol sa kanyang karanasan noon.

"Noon nga may bangkay na ipinahukay sa akin na halos dalawampung araw pa lamang nalilibing.Ang lakas ng ulan noon at namatay pa ang dala kong ilaw"

"Natanggal ang pako ng takbo ng ataul kaya't lumabas ang kalahati ng katawan ng bangkay.Saksakan ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na ulan"

Hindi makapaniwala nag lalaking kinukuwentohan ng sepulterero at nagtanong pa ito kung niya ginawa iyon at kung sino ang nag-utos nito.

"Para kang guwardiya Sibil kung magtanong.Ang utos sa akin ng kurang malaki,ilibing ko sa libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinuhukay ko.Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka malayo ang libingan ng mga Intsik."

Kaya itinapon nalang niya ito sa lawa.

May mga tao nang nagtungohan sa sementeryo.

May mga nakikipag-agawan sa isang libing,ang ibang hindi na matagpuan ang libingan ay basta na lamang lumuluhod at nagdarasal.

Malalim na ang nahukay ng sepulterero nang magpasya siyang magsubo ng hitso.Pinanood nya ang mga taong dumadagsa sa loob ng sementeryo.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon