Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang-abala si Sisa,ang butihing ina nila Crispin at Basilio.
Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan at ang likas na ganda nito'y pinatanda na ng panahon at pagdurusa.
Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati.
Gabi-gabi itong nagsusugal,iresponsable,tamad at nagpapalaboy-laboy sa lansangan.
Wala itong pakialam sa buhay ng mag-ina,bagkus ay nakukuha la niya itong bugbugin kapag ito'y umuwi.
Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy diyos.
Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak.Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay.
Inihain niya ang paborito ng nga bata:tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin;at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman kay Basilio,mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo.
Sa kasamaang palad,ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain para sa mga anak.
Hindi man lang itinanong nito ang kalagayan ng mga bata at ni Sisa.
Bagkus ay inihabilin pa niya na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata.Walang magawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang anghel.
Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang bata pagdating nito mula sa simbahan.
Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malakas na tawag mula kay Basilio.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
KlasikBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat