Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng asawa.
Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo,kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad.
Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad.
Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan,bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kaya't tinawag nila itong baliw.
Matalino ang matanda at matalinghaga manalita.
Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral sa unibersidad ng San Jose.
Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos.
Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata,bagay na sinuway naman ng Pilosopo at bagkus at nag-asawa na lamang.
Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawa muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng libro hanggang sa mapabayaan ang kanilang kabuhayan at tuluyang bumagsak ang mga ito.
Kapansin-pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan.
Matalinghaga rin ang kanyang mga sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon,na ang Bayo ay isang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan.
Suhestyon din niya sa Kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na mga paputok na kwitis.
Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog.
Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig.Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon naabotan ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maaari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil naghanda ito ng isang espesyal na hapunan.Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa tungkulin ng simbahan.
Patuloy na naglakad-lakad si Pilosopo Tasyo hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray.
Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ng binata sa sinapit ng ama nito.
Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo,isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami.
Hindi man siya naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay Mabuhay ng malinis.
Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang lumakad palayo sa gitna ng matalim na kidlat at dumadagundong na kulog.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat