Kabanata 8: Mga Alaala

4.5K 14 0
                                    

Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila.
Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang alaala.

Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita:Kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibiyahe,salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya kanyang gawain.

May mga Europeo,Intsik,Pilipino;may mga lalaking kargador,ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas.

Nandoun din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay.

Ang punong talisay ng San Gabriel ay walang pinagbago,ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayus-ayos.
Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari,kabilang na si Padre Damaso.

Namataan naman siya ni  Kapitan Tinong kung kaya't binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakamasamang amoy ng tabako.

Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang napuntahan niyang Hardin sa Europa.

Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon.Anupa't ang buong Maynila ay walang pinag-unlad,bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon.

Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari:
1)Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso.
2)Ang karunungan ay dapat linangin at dapat isalin sa susunod na henerasyon.
3)Dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan -kung ang mga Kastila ay nanatili dito upang kuhain ang yaman ng bansa,marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon