Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan.
Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo.
Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael.
Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista.
Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego.
Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista.
Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat