Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plaza ng Binondo at naoagmasdan niyang sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa ay wala pa ring pinagbago ang kanyang bayan.
Kung ano ang siya niyang iniwan,ay ito rin ang kanyang natunghayan sa pagbalik.
Mababakas na wala man lang pinag-unlad ang bayang iyon.Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama.
Sinundan siya ni Tenyente upang kuwentuhan ang tungkol sa kanyang ama.Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego.Matulungin at maraming nagmamahal.Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito,kabilang na ang mga pari sa simbahan-sa pangunguna ni Padre Damaso.Dahil sa ganitong sitwasyon,minabuti ng Don na hindi mangumpisal,bagay na lalong ikinagalit ng mga pari.May isang Kastila Doon na mangmang at walang pinag-aralan,palaboy at pinagkakatuwaan ng lahat.
Hinirang ito ng Don bilang kulektor.
Isang araw,hindi nakapagpigil ang kulektor sa nga batang pinagkakatuwaan siya maya't inakma niyang saktan ang mga bata.Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan,binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa sa mga bata.Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero.Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero.
Ayon sa mga sabi-sabi,sinaktan ni Don Rafael ang artilyero hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato.Tinulungan ni Don Rafael ang bata,ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at namatay.
Nagkaroon ng imbestigasyon ang guwardiya sibil,ikinulong si Don Rafael at dito na nagsilabasan ang kanyang mga kaaway.
Kabilang sa nga paratang sa kanya ang pagiging Erehe at Pilibustero,pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman,ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ponagbabawal na basahin,pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari,pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.
Ang dating kaibigan ni Don Rafael ay nangawala at tumalikod sa kanya.
Tanging si Tenyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael,sa kabila ng paniniwala na ang Tenyente ay nasisiraan ng bait.Si Tenyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael.
Mahusay ang abugadong ito subalit nagsulputan sa kung saan-saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimout.At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis,siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas.Ang mga pangyayaring ito,kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kaya't ito ay nagkasakit at namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na pamilya o kaibigan.Pagkatapos maikuwento ng Tenyente ang lahat ay naghiwalay na sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/96582068-288-k544501.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
KlassiekersBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat