Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan.Pinagtapat nito sa kanyang ina na hinabol siya ng guwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo.
Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin ng kuwartel.
Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang nangyari.
Napag-alaman din ni Sisa na napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa,at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak.
Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan.
Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating pala ang kanyang ama.
Alam kasi nito na pinambubugbog ang kanyang ina.
Sa hinagpis at galit ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at Mabuhay silang tatlo na lamang.
Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos,na siya namang pinagdamdam ni Sisa.
Para sa kanya,sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang makasama ito at ang kanyang anak.
Nakatulugan ni Basilio ang kanyang alalahanin at pagod.Binangungot ito sa kalagitnaan ng kanyang tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin.
Pinalo nito ng yantok si Crispin sa ulo hanggang duguang humandusay sa lapag.Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid.
Nais niyang huminto sa pag-sasakristan kasama ni Crispin,magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid,siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin.
Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay.
Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hinhinto na sa pananahi.
Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina,lihim naman itong nasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa kanyang mga plano.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat