Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

2.4K 17 1
                                    

Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na Sina Maria Clara at Tiya Isabel.

Pagkatapos mag-almusal ng mag-anak ay nagkanya-kanya na sila ng Gawain.

Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga Kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi.

Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol si Kapitan Tiyago habang si Maria Clara ay nanahi habang kausap ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra at siya ay hindi mapakali sa pananabik na makita ang kanyang sinisinta.

Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista roon.

Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikaka-ilang natataranta si Maria.

Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili.

Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan.Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mata.

Nagtungo ang dalawa sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.

Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman,sa kanilang mga sumpaan sa isat isa,sa kanilang kamusmusan,sa kanilang tampuhan at mabilis na pagbati.

Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na binigay nila ang isat isa:ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa.

Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan.
Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin.

Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangan gawin.

Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon Doon.

Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra,kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipaglutos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.



Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon