Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan.
Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya ng lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.
Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga.
Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura.
Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClassicsBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat