Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio,mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan.
Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina.
May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid,lalo na si Crispin,ang nakababata sa dalawa na pinagbintangan kasi siya ng pari na nagnakaw ng dalawang onsa(na 32 ang halaga sa peso).
Ang sahod ng dalawa ay dalawang piso sa isang buwan,kung kaya't di niya mababayaran ang nawawalang salapi at ang pataw na multa ng tatlong beses.
Hiniling nito sa kuya niya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang ng pari,bagay na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya ibigay ang pera sa ina upang may makain.
Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat ay magkasakit.
Nangulila din ang bata sa kanyang ina,na kung ito ay kapiling nila tiyak ay ipagtatanggol sila laban sa malupit na mga pari.Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera upang mabalik niya ito at mamatay man siya sa Palo ay may maiiwan naman siya sa kapatid at ina niya.
Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kapatid.
Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ginawa niya iyon,dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa palo ng kura,pati ang bulsa nyang butas.Sasabihin rin niya na ang tangi nyang pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle.
Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin,gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula nang siya'y pagbintangan.
Patuloy na nag-uusap ang kapatid tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor.
Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit.Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog ng kampana.
Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makaka-uwi hanggat di niya ibabalik ang perang ninakaw niya.Tinangkang mangatwiran ni Basilio,bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hanggang hindi ika-sampu ng gabi.
Ang desisyon ng sakristan Mayor ay lubhang mapanganib kay Basilio sapagkat mahigpit Na ipinapatupad ng guwardiya Sibil na bawal maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi.
Pagkasabi nito ay kinaladkad ng ng sakristan mayor si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid.
Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman.
Wala siyang nagawa kundi ang matulala at balutin ng paghihinagpis,awa at kawalang pag-asa na may magawa siya para matulungan ang kapatid.
Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang makaalis sa kalupitan sa simbahan.
Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
ClásicosBoud ng bawat Kabanata ng Noli Me Tangere para sa mga estudyante diyan...Hindi po to akin Galing ito sa MisterHomework sa Google at Pinoy Students Corner Salamat