Chapter 13

888 23 2
                                    

Chapter 13

Kilala ko yung lalaking tumawag sakin! Kaibigan siya ni Katsumi.. Nalimutan ko lang ang pangalan niya eh! Ano ba tong utak ko!

Siya yung mayabang na kaibigab ni Katsumi na nanguna sakin dati sa cashier. Si kuyang singit! What a small world! Nice ang lawak lawak ng mundo akalain mong dito pala kami magkikita. Nakakatuwan naman. Kababayan!

"I'm sorry. Sino ka?" Tanong ni Kenji. Wow ah! Parang line ko dapat yun eh?

"Mizuki! Si Miko to! Yung friend ni Katsumi.. Remember?" Ayon! Miko! Miko nga pala ang pangalan niya!

"Sorry pero hindi siya si Mizuki. Baka nagkakamali ka lang." Napanga nga ako sa sinabi ni Kenji. Hinila niya ko sa palabas ng ice cream parlor.

Anong nangyayari sa kaniya?! Kilala ko naman yung tao eh.

"Huy teka! Ano ba yung sinasabi mo kanina?! Ako si Mizuki! Kilala ko yung taong yun! Kaibigan yun ni Katsumi." Tinanggal ko yung pagkahawak niya sa kamay ko. Nakakasar.

"Malay ko ba? Malay ko bang kilala mo pala yun. Di ka naman kasi nagsalita agad.."

Nakakaasar siya ha. Tuwang tuwa na nga akong makakita ng kakilala eh, dito pa sa Pinas tapos ganyan pa siya.

"Tara bumalik tayo run." Hinila ko siya pabalik sa ice cream parlor kaso ayaw niya.

"Babalik tayo dun. Kakausapin ko si Miko." Kung ayaw niya edi wag, ako na lang pupunta mag isa.

Pagkakataon ko na yun para makasagap naman ako ng balita tungkol kay Katsumi. Saka hihingi rin sana ako ng number ni Katsumi, meron siya nun for sure.

"Umuwi na tayo. Puntahan na natin si aika! Hinahanap na tayo nun!" Hinila niya ko. Mukhang hindi ata hila? Kaladkad. Nakakapanibago yung akto niya ngayon. Ang itim ng aura niya.

"Teka! Nasasaktan ako!" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Masakit.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ko sa kaniya kasi hindi niya ako pinansin. Tuloy tuloy pa rin siya sa paghila sakin.

Medyo pinagtitinginan na kami dito ng mga tao. Baka akala nag aaway kaming mag jowa.

"Uy grabe naman yung lalaki."

"Kawawa yung babae."

"Subukan mong gawin sakin yan honey, ibibitin kita patiwarik."

"Mukhang nasasaktan na si Ate."

Ang dami kong naririnig na bulungan. Sa sobrang inis ko tumigil ako at buong lakas ko na tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Srsly, hindi ko siya maintindihan kung bakit ganyan ang akto niya ngayon.

"Uuwi na tayo." Sabi niya with a blank face. As in wala talagang reaksyon ang mukha niya pero alam mong seryoso siya.

"Ayoko! Hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ka nagkakaganyan?!"

"I'm sorry. Tara umuwi na tayo." Malungkot na sabi niya. May topak na talaga siya sa ulo! Nakakaasar siya!

Nauna na kong naglakad papunta kay Aika. Hindi ko na pinuntahan si Miko dahil medyo nakalayo na rin kami at baka wala na siya doon. Sayang. Sayang talaga. Pagkakataon ko na sana yun.

Nagagalit ako kay kenji kasi hindi ko siya maintindihan. Tska bakit niya ginawa yun? Kilala ko yung tao eh. Mas lalo akong nagalit kasi ang sakit ng pagkahawak niya. Nakakatakot siya kanina.

Hanggang sa makarating kami kay Aika na hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin sa nilalaro niya. Hinila ko na lang bigla si Aika. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko pero dahil nakita niya na mukhang hindi kami okay ni Kenji ay natahimik na lang siya.

Sa kotse wala pa rin kaming imikan ni Kenji. Siya ang nag dadrive habang ako ay nasa tabi niya at nasa likod naman si Aika. Alam kong naweweirduhan si Aika pero hindi siya nagtatanong.

Saka na siya magtanong kapag di na ko badtrip.

"Kuya Kenji. Pa bukas naman ng bintana. Naka child lock eh. Ang awkward kasi ng air dito eh." Parinig ni Aika. Loko talaga tong babaeng to.

Totoo, awkward talaga at dahil kay Kenji yun. Nayayamot talaga kasi ako sa kaniya.

"Hindi ako sanay sa inyong dalawa na ganyan kayo. Bakit ang tahimik niyo? May nangyari ba?" Dagdag pa niya.

Ayoko namang maunang magsabi na magkaaway kami. Bahala na siyang mag explain kay Aika. Tutal siya naman ang nag simula.

"Hindi kami magkaaway Aika.." Napatingin naman ako sa kaniya at nagulat ako dahil sakin siya nakatingin.

Iniwas ko lang yung tingin ko at itinuon to sa daan.

Naiilang ako swear. Eto ata ang unang pag aaway namin ni Kenji. Hindi ko talaga kasi nagustuhan yung ginawa niya. Hindi niya ba alam na napaka importante nung moment na yun? Chance ko na yun. Hindi niya pa ba maibigay sakin? Kaya ako naasar eh.

"I'm sorry." Sabi niya. Nasa kotse pa rin kami pero nauna nang bumaba si Aika.

"Mag explain ka nga." Kailangan ko ng explanation niya. Napaka labo niya kasi.

"I thought hindi mo siya kilala."

Tatawagin ba ko nun sa pangalan at lalapitan kung hindi ko siya kilala? My gad!

Huminga ako ng malalim. Bago nagsalita ulit.

"I'm sorry rin kung nasigawan kita kanina pero kasi nanghihinayang talaga ako eh. Chance ko na sana yun para maka hagip ng balita about kay Katsumi. Alam mo namang hindi ako nakapag paalam dun diba. Sana hinayaan mo na lang kami ni Miko kanina.." Hindi ko rin naman masisisi si Kenji dahil hindi naman niya sinasadya yun pero sana kasi diba? Dapat pinayagan niya kong bumalik don at saka hindi niya ko hinila ng ganon.

"Sorry talaga." Ayon lang ang nasabi niya. Napasinghap na lang ako. Espirito ng kabaitan at mapagpasensiya, sapian niyo ko! Kailangan ko ng mahabang pasensiya!!!!

"O siya. Wala na. Nangyari na. Tara na pumasok na tayo at hinahanap na tayo sa loob." Sabi ko sa kaniya at lumabas na. Naiwan siya sa kotse.

Hindi niya ko masisisi kung ganon ang pakikitungo ko sa kaniya ngayon.

Masyado na kasi siyang nanghihimasok sa buhay ko. Seryoso. Oo kaibigan ko siya pero pati ba nama dito kasama pa rin siya? Minsan nahihiwagaan na rin ako sa kaniya eh.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon