Chapter 12

1.3K 23 3
                                    

Chapter 12

MIZUKI's POV

Andito na kami ngayon sa Airport. Palipad na pa Pinas. Ayaw ko mang iwan tong lugar na to pero ano pa nga bang magagawa ko? Kilala niyo naman si Papa. Hindi ka mananalo dun kapag nakipag talo ka.

Ang bigat lang sa pakiramdam kasi hindi manlang ako nakapag paalam kay Katsumi. Ni hindi niya nga ata nalaman yung nangyari sakin eh? Pero sabi naman ni Kenji pumunta na daw siya kay Katsumi at kinausap niya.

Wala nga lang daw kay Katsumi nang malaman niya yung nangyari sakin. Sakit lang.

Ano nga pa bang aasahan ko? Mag aalala siya sakin? Nangarap na naman ako.

Pero gusto ko talaga siyang makausap bago ako umalis. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami sa susunod. Pakiramdam ko kasi once na tumapak na ko sa Pinas, wala nang balikan dito Japan. Nararamdaman ko rin na doon na ako ikakasal. Ni hindi ko manlang nasabi kay Katsumi yung nararamdaman ko. Napaka duga talaga ng tadhana.

Kulang kulang isang taon na lang ang bibilangin bago ako maging ganap na dalaga. Malapit na ako mag 18. Ayokong dumating yung araw na yon. Kasi kapag nakasal na ko, panghabang buhay na kong malulungkot.

Halos manghaba na ang leeg ko rito kakatanaw. Umaasa ako na darating si Katsumi at pipigilan akong umalis. Alam kong sa mga telenovelas lang nangyayari yung mga ganon pero I can't help myself na hindi umasa.

Hindi ba talaga siya pupunta? Kahit mag bye lang siya oh. Okay na sakin yun. Ganon ba talaga siya kawalang pake sakin? Tss..

"Hindi na dadating yun.." Sabi sakin ni Kenji, katabi ko siya ngayon. Nag hihintay sa departure area para sa eroplano namin.

"Wag ka ngang ano dyan! Dadating yun tiwala lang." Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko. Di ako nawawalan ng pag asa! May 10 minuto pa para humabol siya.

"Alamxxxx niyangxsxdzddpatay kana xxx kaya xx hindi na yun pupunta...." Hindi ko naintindihan yung bulong niya kaya di ko na pinansin.

I sighed. 3 minutes na lang papasok na kami sa eroplano. Wala na ba talaga?

Hindi ko manlang siya nakausap.. Hindi manlang ako nakapag paalam. Hindi ko manlang nasabi sa kaniya na "Lagi kang mag-iingat."
"Wag kang magpapalipas ng gutom."
"Maging mabuting nilalang kana."
"Umuwi kana sa bahay niyo para hindi kana nahihirapan sa apartment mo."

Kahit yung mga simpleng salitang ganon. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya yung mga yon. Kaso wala eh, wala siya ngayon dito.

Pero may isang bagay pa talaga akong gustong sabihin sa kaniya eh, kung andito lang sana siya.. Sasabihin kong mahal ko siya.. Kahit bago manlang ako umalis malaman niya kung ano yung nararamdaman ko para sa kaniya.

Aalis na ko. Madaming memories na nangyari dito sa bansang to. I can't deny na ayoko talagang umalis dahil kay Katsumi, kahit na hindi kami nagkikita lagi at nag uusap gusto ko pa rin na nasa iisang bansa pa rin kami, kahit na malayo kami sa isa't isa..

"Oh tayo na." Sabi ni Papa.

Tumayo naman na kami nila Kenji. Sasama si Kenji samin ngayon, pero ilang days lang siya dun tapos babalik na rin siya dito. Gusto niya lang daw kaming maihatid atsaka gusto niya rin daw makita yung ganda ng Pinas. Jusme, tumingin lang siya sakin maganda na makikita niya eh. Chareng.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon