Chapter 23

704 27 7
                                    

Chapter 23

Maaga akong nagising dahil nga may pasok. Kahit na napakasakit ng ulo ko pumasok pa rin ako.

Buti na lang talaga nakauwi ako ng maayos kagabi at buti na lang wala sila papa, hindi nila ako nakitang nakainom.

Nauna na si Aika sa school dahil may gagawin daw sila kaya mag isa lang ako papasok.

"Hija, huwag kana tumulala dyan. Malalate kana." Sabi sakin ni Manang.

Agad ko namang kinain yung pagkaing nasa harap ko. Ilang minuto na lang pala ang natitira.

Pagkatapos ko kumain nag ayos ako ng gamit ko at lumabas na nang bahay.

Wala akong driver ngayon dahil absent si Manong. Kaya naman nag bike lang ako, hiniram ko dun sa hardinero namin. Wala lang, trip ko lang kasi mag bike ngayon. Tsaka nag mamadali na rin ako baka kapag nag commute pa ko lalo akong malate.

Nag p.e ako ulit pero nakapalda pa rin. Wala kong pake kung panget, late na ko.

Nakarating naman ako ng matiwasay sa school. Yun nga lang pinag titinginan nila ako. Anong problema nila sa suot ko?

Habang pinapark ko nagulat ako dahil sumulpot si Zac.

"Ang baduy na naman ng suot mo." Sabi niya. Aba! Hindi ko hinihingi opinyon niya.

"Kabute kaba?" Tanong ko. Bigla bigla na lang kasing nasulpot.

"Whatever. See you around." Nag wave siya at umalis na.

Inirapan ko lang siya. Ang aga aga ang lakas niya mang asar.

Tumakbo na ko dahil malalate na ko, 3 minutes na lang. Sa pagkakaalam ko may quiz ata kami sa teacher na yon. Patay na ko kung hindi ako makaabot, hirap pa naman pakisamahan nung titser na yun.

"Huy dahan dahan!" Sabi ni Marco. Nadaanan ko kasi yung room nila, andon silang lahat na mga varsity players. Buti pa sila hindi na nila inaatupag pag aaral nila basta manalo lang sila sa basketball pasado na agad sila.

Nginitian ko lang sila dahil wala na talaga akong oras makipag lokohan sa kanila.

"Ay sorry po." Sabi ko sa nabangga ko. Kinuha ko yung mga dala niya at tumakbo na ulit. Hindi ko na nakita ang mukha nung lalaki.

Lagi na lang talaga ako may nakakabangga.

"Oh? Anyare sayo? Itsura mo!" Bungad sa akin ni Miko ng makarating na ako sa room.

"Wala pa si maam?" Umiling siya. Jusme. Tumakbo pa ko ng pagkabilis bilis wala rin naman pa lang wenta, wala pala si maam.

"Tara sa quadrangle. Tulog!" Sabi niya sabay hila. Oo nga pala, mahilig yan matulog sa quadrangle, dinadamay pa ko eh. Buti na lang eh hindi talaga kami nahuhuli ng guard.

"Kailangan talagang mangaladkad?" Yung uniform ko lukot na eh. Sapakin ko siya dyan eh.

Umupo ako sa damuhan tapos siya humiga doon sa bench na katabi ko. Ang saya no? Napaka gentleman niya, ako pa nawalan ng upuan eh.

"Anong balak mo sa 14? Mag dadate ba kayo ni Zac?" Nagulat naman ako sa tinanong niya kaya pinalo ko yung tyan niya.

"Aray ha! Sadista ka talaga! Masakit yon! Nako! Kung di ka lang talaga babae nasapak na kita." Aba! Marunong na siyang pumatol sa master niya?

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon