Chapter 22

736 27 4
                                    

Chapter 22

Please dont forget to vote, thank you in advance. I love you all! God Bless 😊💕
-

After ng kainan kanina sa school, dumiretcho kami sa bahay nila Zac.

Grabe! Napaka laki ng bahay nila. Mayaman talaga ang pamilya niya. Hindi mo akalaing auto shop lang ang negosyo nila pero pak na pak!

Nakakamangha dahil ang ganda nung garden nila, full of flowers. May mga iba't ibang klase sila ng bulaklak.

Sino kaya mahilig sa flowers sa kanila? Mommy niya kaya? Imposible namang sila ng daddy niya, boy naman sila eh. Usually kapag boys hindi naman mahilig sa bulaklak, mahilig sila magbigay. Ganyan yang mga lalaki na yan, Kapag binigyan ka ng bulaklak asahan mong may kasalanan yan kaya ganyan. Anyway, ang layo na natin.

Malamang aabutin ako ng hating gabi rito kaya naman sinabi ko kay Aika na ipag paalam na lang ako kela papa at mama. Hindi ko sinama si Aika kasi syempre masyado pa siyang bata for this. Mga binata't dalaga ang night party na ites, hindi pa siya ganon kaganap na dalaga.

Actually hindi naman ako nagiinom e, hindi naman talaga kasi ako nag iinom. Pakikisama lang tong ginagawa ko, nakakahiya naman kung tatanggihan ko sila diba. Minsan lang naman to.

Nakaupo kami sa sala ngayon, kwentuhan, asaran, sakitan at kung ano ano pang kalokohan ang ginagawa nila. Pero ako, taga tawa lang. Ayoko kasi mag inom, mamaya malasing ako neto patay ako kay papa.

Ang saya nilang makitang magbabarkada, para bang mga wala silang problema kasi ang lakas nilang makatawa. Like Zac, kahit na injured pero kung makatawa wagas pati ngipin lagas. (corny) Sana ganyan rin ako tulad nila kapag dumating na yung time na ikakasal na ko, sana makuha ko pa ring makatawa kahit na mahirap.

Sino kaya yung mapapangasawa ko? Sino naman yung ipagkakasundo sakin? Sana naman ayaw niya rin sakin para naman wala ng problema, para hindi na matuloy yung kasal.

Bakit ba ko nag iisip dito? Eh kung maki join na lang kaya ako sa mga tao rito? Edi nawala pa problema ko.

Kinuha ko yung boteng nakahain sa mesa at tinungga ito.

Ang panget ng lasa, kasing panget ni Zac.

"Holy cow! What the f are you doing?!" Sigaw ni Miko. Isn't obvious? Duh.

"Masama bang uminom?" Tanong ko rito. Kapag sila okay lang ganon? Kapag ako bawal na? Aba. Unfair naman non.

"Hindi halata sayong lasinggera ka." Sabi ni Marco.

"Excuse me! I'm not lasinggera no! Ngayon nga lang ako uminom, first time to no!"

Ako lasinggera? Hindi kaya. Judgemental to masyado si Marco.

"I'm just kidding. I know naman no, tinungga mo ba naman yung bote. Di halatang uhaw ka sa alak." Sabi neto.

"Ayan na naman sila, nag aaway na naman." Singit ni Breath.

Eh paano kasi yung tropa niyo masyadong pa epal. Pati pag iinom ko pinakikialaman.

"Huy! Uuwi pa tayo ha, wag kang uminom masyado. Iiwan talaga kita dito." Sabi ni Miko.

Hindi naman ako magpapakalasing, last na nga yung ginawa ko kanina eh. Ayokong gumapang pauwi no, gusto niyo bang mapatay na ko ng tatay ko?

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon