Chapter 4

2K 66 5
                                    

Chapter 4

Hindi ako pumayag mag-pahatid kay Katsumi. Ayoko ngang umuwi eh tapos mag-papahatid pa ko sa kaniya. Tsaka ayokong malaman niya kung saan ang bahay ko dahil syempre tatanungin ako niyan kung bakit pa ako nag-tatrabaho eh mayaman naman pala ako.

Mama niya lang ang nakakakilala sa akin, nung ininterview ako nang mama niya nalaman ng mama niya yung background ko.  Kung saan talaga ako galing. Pero hiniling ko sa mama niya na huwag itong sabihin kay Katsumi. Mabuti na lang ay tinanggap ako ng mama niya. Mabait talaga ang mama niya, yun nga lang hindi siya doon nag-mana.

"Nakakaasar kana ha! bakit ba ayaw mong mag-pahatid ha?!" Sigaw neto. Ayan! Naasar na siya. Bakit pa kasi pilit ng pilit eh ayaw nga nung tao mag-pahatid. 

"Ihahatid mo eh wala ngang bahay yung tao!" Kulit din ng ninuno neto eh

"What?!" He asked.

Ano bang gagawin kong excuse dito sa taong to? Ayoko namang sabihing patay na yung pamilya ko, masama naman yun.

"Pwede ba sinabi ko na ngang malayo yung bahay ko, hindi mo ko mahahatid! Ikaw yung makulit dyan eh!"

"Taga saan kaba talaga?!" He shouted.

Kapag ba sinabi ko dito sa tao na to na taga outer space ako maihahatid niya kaya ako?

Bahala ka nga dyan. Ang kulit mong nilalang, kaurat ka.

iniwan ko siya at umakyat na ako sa kwarto. hindi ko kaya ang kakulitan ng isang yun. Malupit! Biruin mo simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon nangungulit pa rin siya, nakaalis na nga lahat lahat si Miko ay nangungulit pa rin ang loko. Hindi ko alam kung anong mali sa niluto ko kagabi at nagka-ganyan na siya? Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na mabait siya. Hatid daw ba ako?! Saan ka nakakita ng Katsuming naghahatid ng katulong niya na lagi niyang kaaway. Saan? WALA! Kaya nakakapag-taka talaga ang taong to ngayon.

Dalhin ko kaya siya sa doktor? Tama! Iapapatingin ko siya, mamaya may mali na sa kaniya eh.

*Beep* Beep*

Tiningnan ko kung sino yung nag-text.

From: BOSSABOS

            Go downstairs or die?

~

Hay salamat!  Salbahi na ulit siya. wala na akong dapat ipag-alala. Syempre bumaba na ako agad dahil ayaw ko pang mamatay.

Nang pagbaba ko nadatnan ko siya sa sala na nanonood.

"Ano yun!?" Iritadong tanong ko.

"Let's go out and watch movie."  Muntikan ko nang makalimutan huminga sa sinabi niya. Mali ako, hindi pa rin pala siya masamang tao. Oo, inaantay ko talga siya maging masama kasi nakakatakot siya kapag mabait siya.

Creepy af.

"What did you just say?" I asked him para sure, mamaya nabingi lang ako eh. Di kasi ako nakapag linis ng tenga, last week pa last linis ko eh. Ewwww!

"I said let's go out and watch movie." Tinitigan ko siya ng mga 5 seconds bago magsalita.

"Sure kaba talga na wala kang sakit?" Kulang ata sa gabay to? Nakakaawa.

"I'm not sick. Alam mo, ang arte mo. Mag-ayos kana lang at aalis na tayo." He said at aba! Tinarayan pa ako.

"Libre mo?" I asked. And he just nodded.

Yes! Sasama na ako, arte pa ba? Libre na yun eh! Bihira na lang libre sa panahon ngayon, wag nang pa-choosy.

Since naligo na naman ako kanina, nag-palit na lang ako ng damit pang-alis at bumaba na.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon