Chapter 28

668 31 6
                                    

Chapter 28

Please dont forget to vote, thank u in advance 💕
~

Mizuki's POV

"Katsumi?" Tanong ko roon sa lalaking kamukhang kamukha ni Katsumi. Hindi ako nababaliw or what, kitang kita talaga ng dalawang mata ko na si Katsumi ang nasa harap ko ngayon.

"Mizuki?" Halos manlaki ang mga mata niya nang lumingon siya sakin. Siya nga! Si Katsumi nga! Omaygaaaad! Hindi ba ako nananaginip?!

"Katsumi!" Niyakap ko siya, hindi ko na pinalagpas tong pagkakataon na to. Eto ang pinaka hinihintay ko. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil yung taong gustong gusto mo nasa harap mo na ngayon.

Napakaliit ng mundo, hindi ko akalaing magkikita kami dito. Napaka swerte ko.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ganoon rin yung puso ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya, totoo nga. Hindi nga ako nananaginip.

Napaiyak na ko dahil sa saya, si Katsumi andito na, kaharap at kayakap ko na.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at para naman siyang namatanda dahil sa itsura niya, para bang binuhusan siya ng malamig na malamig na tubig.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko rito, mukhang nagulat talaga siya. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita.

"Multo ka!" Nagulat ako sa inasal niya, ano daw? Ako multo? Kailan pa?

Tinakbuhan niya ko, hinabol ko naman siya. Hindi ko alam ang problema niya, hindi ko alam kung bakit siya tumakbo at kung bakit niya ko tinawag na multo? Sobrang nalalabuan ako.

"Hoy teka! Saan ka pupunta?" Kahit naulan sumugod pa rin ako para habulin siya.

Tumigil siya sa gitna nang daan, buti na lang walang mga sasakyan. Umupo siya at tinakpan ang mga mukha niya. Ano bang nangyayari?!

"Please, tigilan mo na ko! Natatakot na ko! Sorry na sa mga lahat ng nagawa kong masama sayo, patahimikin mo lang ako please!" Sabi niya habang nag mamakaawa. Nakakatawa yung reaksyon niya pero hindi ko magawang tumawa dahil naguguluhan ako.

"Ano bang sinasabi ko dyan?! Ako si Mizuki! Hindi ako multo! Buhay na buhay ako!" Sabi ko habang natalon talon at nag sasayaw, pinalo palo ko rin siya para maramdaman niya ako at hindi niya isiping multo ako. Para akong tuleg ngayo  pero wala na akong pakialam, gusto kong patunayan sa kaniya na buhay na buhay ako at hindi multo na sinasabi niya.

"Tumigil kana. Maawa ka." Nakatakip pa rin ang kamay niya sa mukha niya.

Para siyang tanga! Hindi ko alam kung anong kalokahan ang ginagawa niya ngayon? Ang lakas ng trip niyang makipag habulan sa gitna nang ulan.

Dahil hindi pa rin siya nagalaw sa kinauupuan niya, ni-level ko yung mukha ko sa mukha niya. Tinanggal ko yung mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya, tiningnan ko siya, pinagmasdan. Tumingin rin siya sa mga mata ko pero alam kong may takot pa rin siya. Napalunok ako.. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi siya halikan.

Hinalikan ko siya sa gitna ng ulan, masasabi kong napakasaya sa pakiramdam. Alam kong nakakagulat ang ginawa ko pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko, para bang tinutukso ako ng mga labi niya.

Napaka tagal kong hinanap ang prisensiya niya, ngayong may pagkakataon na, sulitin na. 😂

Pakiramdam ko ngayon kumpleto na ulit ako, pakiramdam ko nabuhayan lahat ng cells ko. Kuntento na ako, kasi nasa tabi ko na siya ngayon.

Hindi mapigil yung pag agos ng luha ko, halo halo ang emosyon na nadarama ko. Saya, pagkamiss at lungkot.

Sobrang sabik na sabik ako sa kaniya. Ang tagal rin naming hindi nagkita.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon