Chapter 27

572 26 1
                                    

Chapter 27

Please dont forget to vote, thank you in advance. I love you all! God Bless 😊💕
-

Mizuki's POV

"Hoy tukmol!" Tawag ko kay Miko dahil busy sa pinag kakaabalahan niya.

"Ano?! Maka tukmol tayo ah. Ayos!" Asar niyang sabi. Tukmol naman talaga siya eh.

"Kung mag patingin kaya ako sa doktor?"

"Oo tama lang yan, mag patingin ka para naman mabigyan ka ng gamot sa sakit mo sa utak." Bintukan ko naman siya sa sinabi niyang yun. Seryoso ng usapan eh!

"Seryoso ako! Stop playing around." Sabi ko rito.

"Ay seryoso kana ba sa lagay na yan? Eh bakit mo naman naisipan mag patingin sa doktor?" Tanong niya.

"Pansin ko kasi na mukhang napapadalas yung mga hallucinations ko, yung bigla bigla ko na lang makikita si Katsumi. Seryoso, mamaya kasi iba na to. Tulad kahapon, nakita ko na naman siya." Pakiramdam ko kasi nabubuang na ko, hindi na normal yung mga nakikita ko. Baka mamaya pag tingin ko sa teacher ko mukha na ni Katsumi ang makita ko, gusto ko nang pangunahing lunas.

"Pffft!"

Nakakaasar siya! Seryoso ako eh tapos siya nag pipigil ng tawa dyan! Kaasar.

"Ano ba! Mag tino ka naman kahit ngayon lang!"

"Edi mag patingin ka, malala kana nga." Sabi niya.

Sa totoo lang kanina ko pa rin tinatanong si Aika dahil dito, kaso wala busy siya kaya hindi niya ko masyado makausap tapos eto namang lalabs niya hindi naman makausap ng matino. So ano nang gagawin ko? Mukhang doktor na talaga ang bagsak ko neto?

"Kumain ka kasi lagi, kaya siguro kung ano ano na ang nakikita mo eh." Jusko, hindi pa ba ko nakain sa lagay ng katawan ko ngayon? 50 kilos ako no. Hindi lang talaga halata sa katawan ko yung kilo ko.

"Oo na lang." Sabi ko.

Desidido na ko, magpapatingin na talaga ako sa doktor, after class dederetso na ko sa hospital pala mag pa tingin.
~
Nang matapos na yung klase sinabihan ko muna si Aika na hindi ako makakasabay sa kaniya pauwi dahil nga may pupuntahan pa ko tapos etong si Miko naman hindi ako masamahan dahil busy siya dahil may laro daw sila ng basketball nila Zac, pustahan daw yon.

Ang lakas niya naman don ha? Maawa kaya siya sa katawan niya baka isang siko lang sa kaniya agaw buhay na siya. Hindi ko ba alam rito kay Miko kung gustong magpakamatay eh?

Dumiretcho ako sa pinaka malapit na ospital.

"Sorry po ma'am pero wala po si Doc ngayon, nasa clinic po siya ngayon. Kung gusto niyo po ibibigay ko po ang address ng clinic niya tapos puntahan niyo na lang po siya ngayon. Wala po kasi siyang schedule ngayon dito sa hospital."

Ay ganon? Kaloka. Sana naman hindi malayo ang clinic na yon.

Inabot niya sakin yung isang piraso ng papel na kung saan nakasulat rito ang address, nag thank you ako at lumarga na.

"Di Makita Street, Hanapin Mo Na Lang. Magtanong Ka, City."

Napaka angas naman netong address na to, may ganto bang lugar? Kahit napaka labo ng address na to, hinanap ko pa rin siya.

"Good Afternoon, how may I help you?" Bungad sa akin nung babae nang pumasok ako sa clinic.

"Galing kasi akong hospital sabi andito daw po ngayon si Doctor Isip?" Yung pangalan din ng doktor isa ring maangas eh.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon