Chapter 6

1.6K 64 4
                                    

Chapter 6

Nakauwi na kami sa bahay. Agad akong pumasok sa kwarto ko. Mag iimpake na ako nang damit ko. Wala nang dahilan para mag stay ako dito. Nahihiya na rin ako dahil napag salitaan ko si Katsumi, hindi ko dapat ginawa iyon. Masyado akong nag padala sa galit ko at taranta. Nakapag-isip na rin ako, dapat si Papa ang unahin ko. Mahalaga siya sakin, ayoko siyang mawala. Gusto ko nasa tabi niya ko, gusto ko siyang alagaan.

Wala nang panahon para mag tampo pa ko, hindi na importante yun ngayon. Ang importante si Papa, gusto ko siyang makita.

Si Katsumi? Masasanay rin yan na mag-isa, kapag naglaon makakaya na rin niya kahit wala siyang katulong. Kung sakaling di pa niya kaya, mayaman naman sila. Makakahanap sila nang katulong agad. Sana lang eh magbago na siya, baguhin niya na sana ang ugali niya. Para kung sa gayon maayos naman ang relasyon nila nang susunod niyang katulong.

*knock* *knock*

I sighed.

"Pasok."

"Aalis ka?"

I didn't respond. Nahihiya ako. Kahit palaban ako, nahihiya rin ako sa mga binitawan kong salita sa kaniya.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako samin, mas kailangan ako ng pamilya ko."

Umupo siya sa harap ko. Alam kong tinitingnan niya ko.

"Sorry for being assh*le, stupid, idiot to you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang ngayon ko lang ata sya narinig na humungi nang sorry.

"Okay lang." matipid na sagot ko.

Okay lang kahit nahirapan ako sayo, okay lang kahit inaasar mo ko palagi, okay lang sakin lahat yun. Kaya ko naman tiisin yung ugali mo kaso wala eh. Kailangan ko nang umalis, kailangan ko nang bumalik sa kung ano talaga ako nababagay.

Tinignan niya lang ako at umalis na.

I sighed. Pag mga gantong sitwasyon talaga mapapabuntong hininga kana lang.

Bakit ba ko nagkakaganto? Bakit parang ang hirap hirap sakin na umalis? Ang hirap iwan ni Katsumi. Parang bata yung iiwan ko, batang walang alam sa mundo, batang pasaway na kailangang lagi kang nakabantay. Dapat masaya ako kasi makakalaya na ko sa ugali nun. Makakatulog na ako nang maayos. Wala nang mag uutos. Ang bigat bigat nang loob ko.

Aha! Kailangan ko nang sariwang hangin.

Kinuha ko ang jacket ko. At bumaba na.

"Saan ka pupunta?" Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa.

"Magpapahangin lang."

"Wait." He said.

Huh? Umakyat naman siya sa kwarto niya. Nang bumaba siya naka jacket na siya.

"Bakit sasama kapa?" Tanong ko.

"Masama ba? Last day mo na to, sulitin na natin."

Bilib rin ako sa taong to, parang walang nangyari kanina ah. Parang kanina lang nag away kami. Ganyan ba talaga siya? Walang bakas nang galit sa kaniya. Moody.

Lumabas na kami nang bahay at nag simula nang maglakad lakad.

Tahimik lang ako, takte! Nahihiya pa rin ako. Sobrang sama nang mga sinabi ko sa kaniya kanina tas ngayon ganyan pa siya. Ganyan pa niya ko pakitunguhan ngayon.

Nakarating na kami sa park at umupo sa bench.

He sighed.

"Para saan yun?" I asked him.

"A goodbye sigh." He said.

Ano daw? A goodbye sigh? Pauso niya.

"Ahhh."

"Ehhh."

Nabubuang na talaga to. Bakit ganyan siya? Sobrang kakaiba niya ngayon. Ganto ba talaga siya? Kasi nasanay ako nang masungit siya, laging nambabara. Pakiramdam ko ibang tao katabi ko ngayon.

"Kailangan mo pa natuklasan yung ganyan mong ugali?" Tanong ko sa kaniya.

"Ngayon lang." He said.

Napailing na lang ako.

"Thank you." Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun.

"Paki ulit? Di ba ako nabibingi?"

"Thank you sabi ko."  Sabay kamot sa ulo niya.

"Salamat sa lahat nang pag titiis mo sa akin, sa ugali ko. Oh God! Kabaklaan ko." Ginulo niya ang buhok niya at natawa ako dun.

"Hoy! Maging normal ka nga! Di ako sanay sayo tukmol!"

"Aba! Loko ka ah! Mas tukmol ka!"

See. Panandalian lang pala ang bait niya. May sakit na ata to sa isip e? Bipolar potek

"Na try mo na ba mag consult sa Psychiatrist?" Parang may sayad na talaga siya eh.

Halata namang nagulat siya sa tanong ko.

"Bakit naman ako pupunta dun? Wala naman akong problema sa utak. Ikaw ang dapat pumunta dun! Kulang kulang kana eh."

"Sa palagay ko, kailangan mo na talagang mag pakunsulta."

"Aba loko ka ah! Sa pogi kong to abnormal ako?"

"Oo." Sagot ko.

"Hoy sobra ka! Bakit akala mo maganda ka?"

"Oo, maganda talaga ako."

"Asa ka naman." He said.

I rolled my eyes.

"Abnormal ang wolah, kung mabait ngayon maya maya ugaling hayop na." Bulong ko.

"Hoy! Narinig ko yun ha! Loko ka talaga!"

Tumayo siya at inambaan ako pero..

Di niya nakontol yung balance niya at nahulog siya sa sakin.

AT AYOKO NA ANG MGA SUMUNOD NA PANGYAYARI.

--

hello! nag update na po ako! sorry po kung ilang buwan kayo nag intay. sorry sorry talgaaa!!! sana magustuhan niyo yung ud ko nagyon kahit maiksi. sana wag kayong mag sawa sa pagbasa ng story ko. keep on reading, voting guys! maraming salamat sa suporta! iloveyou all. God Bless!!!!

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon