Chapter 39

544 21 4
                                    

Chapter 39

V O T E
-

Mizuki's POV

"Hoy, tulala ka dyan."

"Eh may iniisip lang." Sagot ko rito.

"Si Felipe iniisip mo no?" Nanlaki yung mata ko, paano niya nalaman yun?!

"Pinakialaman mo phone ko kanina no?! Buset ka!" Pinag papalo ko siya. Sabi na eh, mahirap talaga mag iwan ng gamit sa siraulong to eh. Inutusan lang ako ng teacher namin tas na-ninja na agad niya yung phone ko.

Kaloka! Nakakahiyaaa. Nabasa niya kaya yung mga text namin ni Katsumi? Malamang nabasa niya yun, chismoso yun eh.

"Aray ko! Bakit kaba nang hahampas dyan? Ginagawa mo kong punching bag eh no?" Sigaw nito sakin. Anyway, sino pa nga ba ang nag nangungunang nang bubwisit sakin? Edi si Miko. Kailangan pa bang imemorize yan?

"Napaka chismoso mo kasi!"

"Asus. Ganyan rin naman kami ni Aika mag text, sweet rin kami kaya wag kana mahiya." Sabi niya at binigyan ako ng pangasar na ngiti. Loko loko talaga.

"Magkikita ba kayo ni Katsumi mamaya sa bahay?" Tanong nito.

Wala naman kaming napag-usapan ni Katsumi na magkikita kami ngayon. Actually hindi pa nga siya nagtetext simula kagabi eh. Hindi niya ko nirereply-an. Nag aalala na nga ako eh kaya lutang talaga ako right now.

"Hindi pa nga nagpaparamdam eh. Nag aalala na ko sa mokong na yun. Try mo ngang tawagan, di ako sinasagot eh."

Kapag kasi tinatawagan ko yung phone niya nag riring lang. Walang nasagot. Hindi ko alam kung anong nangyari dun? Pero kasi kinakabahan ako eh.

"Baka naman busy lang? O kaya naman may iniintindi lang na ibang bagay? Kilala ko yun. Trust me, busy lang yun. Wag ka nang mag isip isip ng kung ano ano dyan. Tara kain na lang tayo."

Tama, oo. Kakain na lang ako baka sakaling mawala 'tong pag aalala ko. Nakakapangit kapag stressed ka. Kailangan maganda ako bukas, borthday ko eh.

"Nga pala Miko, may damit kana ba para sa party ko bukas?" Tanong ko rito. Syempre dapat pogi siya bukas, mahiya siya sa mga mukha ng mga pinsan ko.

"Of course! Ako pa ba? Pinag handaan ko yun no. Kailangan pogi ako bukas kasi ipapakilala na ko ni Aika sa parents niyo." Nanlaki ang mga mata ko run sa sinabi niya.

"Really?!" Ang lakas ng loob nila ah. Iba talaga fighting spirit ng dalawang 'to. Kakaiba eh! Powerful eh.

"Oo nga! Ipapakilala niya ko tapos mag papaalam ako na naliligaw ako kay Aika." Nag paalam pa siya eh nililigawan na niya. Jusq.

"Bahala kayo. Good luck sa inyo."

Ewan ko kung anong magiging reaction nila Papa? Pero siguro hindi naman magagalit yun?

Buti pa sila no, wala silang pinoproblema no. Ang easy easy lang para sa kanila yung pagpapakilala sa magulang. Sila na! Sila na yung malaya sa buhay! Kainggit.

Lumabas kami sa room para pumunta sa Cafeteria. Nakakagutom rin kasi.

"Hoy, diba ayon yung kaibigan mong may sayad?" Sinundan ko yung daliri niyang nakaturo dun sa malayo.

Si Kenji, may kasamang babae. Sino kaya yung kasama niya? Sana napupusuan niya para it's a tie diba! Pareho kaming may mga mahal para hindi  na matuloy yung kasalan. Omg! Sana hindi na matuloy yung kasal, ipagdadasal ko talaga to.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon