Chapter 17

768 38 4
                                    

Chapter 17

(A/N: Finally! May point of view na si Katsumi hihihi.)

KATSUMI's POV

Andito ako ngayon kung saan yung last place na magkasama kami ni Mizuki, dito sa lake. Masyadong memorable 'tong place to sakin. This place reminds me of Mizuki.

Dito kami nanood ng Meteor Shower. Nung gabing rin yon, doon ko nakita ang totoong Mizuki. Yung totoong pagkatao niya. Nakita ko siyang masaya. Yung mga ngiti niya akala mo walang problema. Tuwang tuwa siya nung gabing yun, parang bata. And I can't deny na nung araw ba yun I realized something, i like her.

And I'm scared because maybe one day, she will leave me. At dumating na yung araw na yon.

Lalo na nung huling gabi niya bilang isang katulong ko. Remember the kiss? It felt so good. Nang lumapat yung labi niya sa labi ko, my heart skipped a beat. Ngayon ko lang naranasan yung ganong pakiramdam. Alam kong masyadong bakla para sa inyo pero inaamin kong kinilig ako non. Yung kiss na yon, mas lalo kong na-realize na gusto ko na talaga siya. Kakaiba na ang nararamdaman ko sa kaniya.

Nung umuwi na siya sa kanila, inaamin kong nalulungkot ako. Wala na kasing magluluto para sa akin, wala nang magreremind sa akin ng dapat kong gawin, wala nang mangungulit sakin, wala na kong kaaway. Lahat parang nawala na nung umalis siya.

Mas lalo na ngayon. Sobrang laki ng epekto niya sakin. Nalaman kong wala na siya, mas lalo akong nalungkot. Natuto akong uminom, manigarilyo to ease the pain na nararamdaman ko. Hindi ko inakalang ganon lang siya kabilis mawawala. Hindi ko akalaing ganon ang nangyari sa kaniya. Ngayong wala na siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon basta ang alam ko lang ang laki ng epekto niya sakin.

Hindi ako pumunta sa burol niya dahil ayaw ng papa niya. I tried many times na pumunta sa bahay nila para makausap ang papa at pagbigyan akong makita ang anak niya kahit sa huling hantungan nito. But He didn't allow me. He pushed me away. Wag na wag na daw akong lalapit sa kanila dahil puro pahirap lang naman daw yung ginawa ko sa anak niya nung nabubuhay pa to.

That time, sinisisi ko rin yung sarili ko. Sinama ko pa siya, siguro kung hindi ko siya sinama sakin hindi mangyayari sa kaniya yon. Ako ang huling kasama niya bago mangyari yung aksidente kaya naman kinakain ako ng konsensiya ko.

Galit ako sa sarili ko. Hindi manlang ako naging mabuting tao sa kaniya all this time. Lagi ko siyang pinahihirapan, inaaway, kung ano anong masasakit na salita yung binitawan ko sa kaniya.

Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataong makabawi sa kaniya, hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataong masabi kong mahal ko siya.

Sadyang ang bilis talaga ng panahon. Hndi mo rin masasabi. Hindi mo rin mapipigilan. Parang buhay. Hindi mo masasabi kung kelan ka kukunin.

Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong makasama si Mizuki, gagawin ko talaga lahat makabawi lang ako sa kaniya. At hindo ko na papalagpasin yung panahon para sabihin kong mahal ko siya.

Umuwi ako sa bahay ko. Nag kulong. Nag inom. Araw araw ganto ako.

"Ano bang nangyayari sayo anak?! Look at yourself! You're always drunk! Ni hindi kana nga napasok sa school! Wag mong sirain yung buhay mo nang dahil lang sa isang tao! Wala na siya. Sa tingin mo matutuwa si Mizuki sa ginagawa mo ngayon?!"

I don't care. I just want to lay in my bed all day.

"Stop it ma. Umuwi kana lang. Pabayaan mo na ko!"

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon