Chapter 43

505 22 6
                                    

Chapter 43

Nagugustuhan niyo pa ba yung storya ko? Hahaha. Ang malaking tanong ay kung may nagbabasa pa ba? 😂 Anyway, paki vote na lang po yung every chapter. Maraming salamat! 😘

-

Mizuki's POV

Habang nag hahanap kami ng mga ipapamili namin ni Aika ay nakita ko yung Nicole, sa pagkakatanda ko siya yung nag make up sa akin nung Valentine's. Laki ng utang na loob ko dito no!

"Wui!" Medyo napatalon siya dahil sa gulat. Sorry na. Hahahah.

"Ay sorry. Nagulat ata kita." Nag peace sign ako.

"Ah-eh o-okay lang." Nagulat ako ng tumakbo siya. Jusq. Ano bang nangyari dun? Nakakatakot ba yung mukha ko? Sa ganda kong to ah!

Napailing na lang ako. May tama ata sa ulo yun eh.

"Sino yun te?" Tanong ni Kapatid.

"Ah, buang yun. Wag mo ng intindihin yun." Tinatamad ako mag kwento eh. Hahah.

So dahil nga mainit ang ulo ko dahil kay Katsumi tas dumagdag pa tong si Kenji ay bumili ako lahat ng makita kong magandang damit.

Yamot na nga ako kanina dahil kay Katsumi, mas lalo pa kong nayamot dahil kay Kenji.

Sa kaniya lang daw ako? Ano siya manok? Inaniya. Mag isa siyang magpakasal. Kahit kailan hinding hindi ako magtitiis na maging jowa siya. Mamamatay muna ko no!

"Tawagan kaya natin si Miko? Nakakamiss yun." Sabi ni Aika. Nye! Kasawa na mukha nun eh, kasama ko lang yun kanina eh.

"Sige bahala ka, sabihin mo libre niya tayo." Hahaha.

-

Nicole's POV

Halos hindi ako nakahinga nung biglang sumulpot si Mizuki kanina. Jusq. Wala siyang kamalay malay na winawalang hiya ko na siya.

Mabait siya pero ang sama sama ng ginagawa ko sa kanila, pero wala pa ring mas masama kay Kenji. Kakaiba yun eh.

Malamang nagtaka yun si Mizuki kung bakit tumakbo ako. Hindi ko kasi kaya ang air kanina, kabado ako bes. Nakokonsensiya rin ako.

Sa mga hindi pala nakakakilala sakin. Ako si Nicole Alcantara. Isa ako sa mga taga hanga ni Katsumi. Hindi kami magkakilala pero dahil pogi siya at lagi ko siyang nakikita eh nagustuhan ko na siya. Nasa iisang condo lang kasi kami, napapansin ko siya lagi pero siya hindi ako napapansin. Hindi niya ata alam yung existence ko.

Kung hindi ko pa siya inakit nung sa Bar eh hindi niya pa ko mapapansin.

Sa totoo lang, hindi ko akalaing hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Yung tipong wawasak ako ng relasyon para lang sa kaligayahan ko.

Kaligayahan nga ba? Masaya ba ko? Si Kenji lang naman ang nakinabang eh.

Kaya nga nag dadalawang isip ako kung itutuloy ko ba yung pagpapanggap ko na buntis ako, ayokong sirain yung buhay ko para lang sa lalaki no.

Sa totoo lang nahanap ako ng magandang tyempo para umayaw kay Kenji, ayoko talaga nung pinagagawa niya.

Tsaka imposibleng maakit ko si Katsumi, mahal na mahal niya kaya si Mizuki.

Kanina nga lang eh halos sabihan niya na ko ng panget, sa sobrang sakit napaiyak na lang ako eh.

"Hello?" Nag ring kasi yung phone ko, unknown number yung tumawag.

"Magkita tayo ngayon na!"

Makautos to ah! Di ko nga siya kilala eh.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon