Chapter 37

543 21 1
                                    

Chapter 37

V O T E !
-

Kenji's POV

Palabas na ko ng school dahil uwian na, hindi ko na kasi naabutan si Mizuki sa room nila, maaga silang lumabas kesa samin. Yung teacher ko kasi ay OT pa sa OT.

Simula nung umuwi ako bihira na kami mag usap, lagi siyang wala, lagi siyang busy. Kapag hinahanap ko siya hindi ko siya mahagilap. Hindi ko alam kung tinataguan niya ba ko o sadyang nagkakataon lang?

Iba na rin ang pakikitungo niya sakin, hindi na katulad nung dati. Dati rato super close kami pero ngayon wala, sobrang laki ng gap namin sa isa't isa. Lagi siyang kasama ni Miko, yung bwisit na kaibigan ni Katsumi. May gusto ata to kay Mizuki? Subukan niya lang, baka gusto niyang makatikim sakin?

Hindi ko mabasa ang takbo ng utak ni Mizuki. Hindi ko alam kung galit ba siya sakin o ano?

Lalo na nung sinabi ni Papa na ako ang magiging escort niya, yung itsura niya parang hindi siya sang ayon sa gusto ni Papa. May iba pa bang dapat? Wala na diba? Kasi ako lang naman ang kaibigan niya at MAPAPANGASAWA NIYA.

Malapit na pala ang birthday ni Mizuki, sa makalawa na. Pinag hahandaan talaga ng mga magulang namin ang nalalapit na birthday niya, may pasabog daw kasi sila Papa. Hindi ko na tinanong yun pero mukhang alam ko na kung ano yun.

Hindi ko alam kung kailan balak sabihin nila Papa yung kasal namin kay Mozuki? Ang usapan kasi after ng birthday ni Mizuki ay doon na kami ikakasal.

Sa totoo lang excited na ko, excited na kong maikasal sa taong mahal ko. Alam kong masyadong maaga pa dahil mga bata pa kami pero ano pa nga bang magagawa ko? Pamilya namin yung nag desisyon at isa pa ay gusto ko rin naman kaya walang problema sakin.

Laking swerte ko na nga lang dahil walang hadlang saming dalawa, wala naman kasi siyang boyfriend. Maganda yun dahil walang tututol.

Sana matanggap ni Mizuki ang plano ng tatay niya para sa kaniya perl sa tingin ko magagalit talaga ng todo yun. Kilala ko yung babaeng yun, kapag ayaw niya ayaw niya talaga.

Pagkalabas ko ng gate tumambay muna ako run sa fishball stall, suki nila ako dito dahil masarap dito. Suki na nila ko nang mga ilang araw. Hahaha

"10 pesos nga po na fishball pati isang palamig."

Unang ibinigay nung tindera sakin yung palamig, uminom ako. At halos maibuga ko yung ininom ko dahil sa nakita ko.

Si Katsumi at si Mizuki.

Nasa waiting shed at masayang nag uusap. Maya maya lang ay inakbayan na to ni Katsumi at hinila sa parking lot.

Injured pa naman si Mizuki. Eto namang babaeng to hindi manlang sabihin na may masakit sa paa niya.

PERO TEKA! SI KATSUMI? ANDITO NA?

Kinusot ko yung mata ko dahil mukhang namamalikmata lang ata ako.  Pero wa' epek, nakikita ko pa rin si Katsumi. Malinaw talaga eh. Ibig sabihin totoo nga?

Paano nakarating rito yung hayop na yun? Tangina. Ano nang gagawin ko neto? Isa siyang malaking hadlang sa amin ni Mizuki.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon