Chapter 20

866 26 2
                                    

Chapter 20

Mizuki's POV

Andito ako ngayon sa labas ng school. Hinahantay sila Miko at Aika, bumili sila foods. Pupunta kasi kaming park ngayon.

Ang tagal nga nila eh, naghaharutan pa siguro yung dalawang yun?

Anyway, pinabayaan ko na sila kung anong gusto nilang gawin. Pero hindi naman ako nag kukulang sa pangaral kay Aika at hindi rin naman ako nagkukulang ng batok kay Miko. Subukan niya lang talagang saktan ang kapatid ko, tatanggalan ko siya ng itlog.

"Hey." Napatingin ako sa nagsalita. Si Zac pala.. Umupo siya sa tabi ko.

"Oh. Wala kayong training?" Tanong ko. Bukas na kasi yung laban nila. Bukas din pala ako magiging muse. Hihihi Ang ganda naman diz girl.

"Mamaya pa eh. Break muna kami. Wala pa yung sundo mo? Hatid kita." Umiling ako.

"Nako wag na. Aalis rin kami nila Miko eh." Speaking of animals. Ang tagal nila huh. 10 years sa canteen?

Nag vibrate yung phone ko.

One message received.

"Te' nauna na kami dito ha. Labyu. Sunod kana lang dito."

Mga walangya talaga! Iniwan ba naman ako? Nag hihintay lang pala ako sa wala! Sobrang nakakaasar na ha! Gusto lang ata nilang mag solo eh? Okay payn. Mag sosolo ako.

"Ano bakit nalukot yang mukha mo?" Tanong niya sakin.

"Ang gagaling kasi nung dalawa. Iniwanan na pala ako. Walanjo! Nag intay pa ko." Sinipa ko yung latang nasa paanan ko. Buti na lang wala kong natamaan, muntikan lang.

"Easy lang. Hatid na lang kita ron. Saan ba sila ngayon?"

May namuong bright idea sa utak ko. Ice cream. Dahil nang iwan naman sila, mag iice cream na lang ako. Mag sosolo talaga ako.

"Nako wag na! Sige alis na ko ha!" Hinabol niya ko.

"Uy teka, saan kaba pupunta? Hahatid na nga kita eh." Dahil mapilit siya edi go. Sana dala niya ulit yung ducati niya, ako ulit mag d-drive. Hihihi.

Dinala niya ko sa parking lot and tentenen! Nakita ko ang napaka gandang ducati na nakita ko sa buong buhay ko. At take note! Black siya ngayon. Don't tell me? Ay! Kabog talaga! Yayamanin!

"Nuks. Bago?" Tanong ko.

"Tara na. Ang dami pang tanong eh. Saan kaba?" Sumakay na siya at ako na lang ang inaantay niya.

"Oy? Sakay na."

"Ayoko. Bumaba ka dyan. Ako ang mag da-drive." Naka pamewang sabi ko sa kaniya. Ako ang magbibinyag sa napakaganda niyang ducati.

"A-no?! Wag na! Mamaya mahuli pa tayo dahil sa sobrang bilis mo." Napaka duwag talaga neto. Wala talaga siyang bilib sakin.

"Ako na kasi." Tinulak ko siya para bumaba na siya. At bumaba naman salamat.

"Nakapalda ka tapos mag d-drive ka? Parang sinabi mo ng nanalo sa lotto yung mga lalaking makakakita sayo?" Ay oo nga no. Paano kaya to? Maiksi pala tong palda ko. Bakit pa kasi naimbento yung gantong uniform!

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon