Chapter 31

794 31 2
                                    

Chapter 31

(A/N: Please dont forget to vote! Thank you! Lord Bless!)

Mizuki's POV

Maaga akong nagising para mag ayos ng sarili dahil may usapan kami ni Katsumi na magkikita kami sa mall. May bibilhin daw siya, so parang julalay na naman ako na nakasunod lang sa kaniya mamaya.

Okay lang sakin na maging julalay forever, basta ba siya ang boss ko eh. 💕

Nag suot lang ako ng jeans at tshirt at sandals, simple lang. Sa mall lang naman.

"Sunduin kita sa labas ng subdivision niyo." Sabi niya sa text.

Ang sweet talaga ngboyfriend ko. Nakanang! Akalain mo yun! May jowa na ko, di talaga ako makapaniwala.

Hindi ko pa rin malimot yung nangyari nung Valentine's Day, isa yun sa mga unforgettable moment sa buhay ko. Kapag naaalala ko yung gabing yun, hindi pwedeng hindi ako kikiligin.

Ilang araw na rin simula nung naging kami. Masasabi ko namang masaya at nakakakilig. Kakaiba pala yung pakiramdam kapag committed kana sa isang tao no, feeling mo talaga pag mamay ari kana niya. Nakanang.

Bumaba na ako para magpaalam sana kay Manang.

"Manang-"

"Oh anak saan ka pupunta ang aga pa ah?" Nagulat ako nang andoon sila mama at papa sa labas.

Akala ko wala pa sila? Akala ko hindi sila uuwi? Sabi nila sa condo muna sila mag sstay?

Natatakot ako, paano kung malaman nila na may boyfriend na ako? Ayokong paghiwalayin nila kami. Hindi naman sa gusto kong magsinungaling sa kanila kaso kapag sinabi ko yun sa kanila alam kong tutol sila. Minsan lang ako maging masaya, sana naman pagbigyan na nila ako.

Alam kong darating yung araw na tututol sila mama at paghihiwalayin kami pero hindi ako papayag, this time puso ko naman ang susundin ko. Siya pa rin ang pipiliin ko, no matter what.

"Ah-ano p-po.. Mag mamall lang po ako."

Sorry, kailangan kong magsinungaling sayo ma.

"Magpahatid kana sa driver natin." Sabi ni papa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ay nako! Wag na po pa, kaya ko naman mag byahe tsaka may bike naman ako. Malapit lang naman yung mall."

Please. Ayokong magpahatid, may nagiintay sakin sa gate ng subdi.

"No, mag pahatid kana."

Paano na to? Hindi ako pwedeng magpahatid dahil nga inaantay ako ni Katsumi don.

"Okay sige po." Pumayag na ko para hindi naman ganon kahalata no.

"Sa mall na lang tayo magkita, sa food court." Text ko sa kaniya.

Lalabas na sana ako kaso nagsalita si Papa.

"Sinasabi ko sayo ha, bawal ka mag boyfriend." Nag nod na lang ako at lumabas na. Sorry kana lang pa, may boyfriend na ko. Hindi ako papayag na maikasal ako dun sa taong di ko gusto, kahit sino man yan. Kahit siya pa yung may pinakamaraming pera at pinaka pogi sa buong mundo, iba si Katsumi sa kanila at nag iisa lang siya.

Nakarating ako sa mall at sinabi ko kay manong na wag na akong sunduin mamaya dahil uuwi na lang ako mag isa.

Tinext ko siya at tinanong kung saan siya banda naka pwesto.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon