Chapter 35

558 17 8
                                    

Chapter 35

Please vote!
--

Mizuki's POV

"Ano?! Napakaangas niyo namang dalawa! At sa bahay ko pa talaga kayo mang bubulabog?"

Napaka OA naman netong si Miko. Andito pala kami sa bahay nila. Hinila ko siya agad sa bahay nila after ng class namin at sinabing dito kami magkikita ni Katsumi kasi nga baka mahuli kami.

"Eh kasi baka may makakita samin, tinataguan nga namin si Kenji eh." Sagot ko rito.

Buti na lang talaga ay hindi ko classmate si Kenji at nakatakas kami agad ni Miko. Ang swerte ko pa dahil yung last subject nila ay si Ma'am OT, OVERTIME kasi lagi yun.

"Takteng yan! Ayon ba yung nakita ko sa mall na kasama mo nung nakaraan?! Sabihin mo suntukan na lang kami!"

"Pare wag ka nang OA." Sabi ni Katsumi.

"Hay nako. Pasalamat kayo dahil mga kaibigan ko kayo, pero Mizuki paano kung mahuli kayo? Matakot ka sa papa mo."

Akala niya ba hindi ako natatakot? Jusme. Takot na takot kaya ako! Iniingatan ko yung nga galaw ko dahil natatakot ako no, ayokong nawala si Katsumi sakin.

"Lalabs! Hayaan mo na sila, maawa ka naman oh. Di na nga alam nung dalawa kung anong ggawin nila eh." Singit ni Aika. Aba'y buti naman! Ipagtanggol niya ko sa malupit niyang manliligaw. May pakinabang rin pala tong kapatid ko.

"Oo na lalabs, sorry na." Bigla namang nag iba ang tono ng boses ni Miko. Nangangamoy under? Hahaha. Hindi pa nga sila pero under na siya kay Aika.

"Kasi naman nakakagulat kayo, parang nung nakaraan lang nagliligawan pa lang tapos ngayon naman kayo na agad. Real quick ha!" Pagrereklamo ni Miko. Nahiya naman ako onti dun sa sinabi niya. Oo nga naman, napaka bilis nga naman. Hindi manlang ako nagpaligaw kahit ilang araw lang. Pero kasi wala na kong oras, onting oras na nga lang yung natitira eh. Pagdating ng birthday ko wala na, di ko na alam kung ano nang mangyayari.

"Poging pogi kasi sakin eh." Singit naman ni Katsumi. Aba! Ang lakas niya ah. Pero sige, totoo naman eh. Hihihi.

Ayon nagkwentuhan lang, harutan habang nagawa ng assignment. Imbis na hindi ako gagawa ng assignment eh napagawa na ko dahil nakakahiya kay Katsumi, siya nagawa tapos ako hindi.

"Salamat sayo pre ah! First time kong makitang gumawa yan si Mizuki." Pinandilatan ko si Miko habang si Katsumi naman natatawa. Hayop na yan! Inilalaglag pa ko eh.

"Nagulat nga rin ako pre eh, hindi naman talaga kasi to nagawa ng assignment dati pa." Boyfriend ko ba talaga siya? 😭 Pinagtutulungan nila ko. Huhuhu.

"Ang papanget niyong dalawa." Sabi ko sa kanila at itinuon na lang yung pansin ko dun sa equation na pilit kong sinasagutan kanina pa. Lintik na yan! Natutuyo na yung utak ko rito, wala akong maisagot..

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko tutulo na yung dugong galing sa ilong ko.

"Patingin nga.." Nagulat ako nang kinuha niya yung notebook at tiningnan ito. Alam niya kaya?

"Halika rito, ganto oh. Ipagmumultiply mo lang yung dalawa na nasa numerator tas after mong makuha yung product ng dalawa, idivide mo naman sila dyan sa 12-"  Sa lahat ng sinabi niya wala akong naintindihan. Ang sarap niya kasing panoorin dahil napaka pogi niyang teacher.

Boyfriend ko ba talaga to? Nako naman. Ang swerte swerte ko talaga! Hindi ako makapaniwalang pinatulan ako ng isang to.

Dati rati kung magbangayan kami neto grabe eh, dati minumura mura ko lang to. Sabi ko dati hinding hindi ko to magugustuha  pero kinain ko lahat ng sinabi ko ngayon.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon