Chapter 21

931 29 2
                                    

(AN: after reading this chap please proceed to chapter 1, 3,7,8 naglagay po ako ng picture nila Katsumi and Mizuki, Kenji, Miko and Aika. Pakihanap na lang hihi.)

Chapter 21- ( Basketball )

Mizuki's POV

Inaayos ko na yung sarili ko ngayon para sa laban nila Zac mamaya. Muse daw ako eh. Akalain mo yun?! Ibang level na talaga ang kagandahan ng ateng niyo.

Sa susunod magiging Miss. Universe na akes. Hintay lang kayo, nag papatangkad pa ko eh.

"Hoy Aika! Sigurado ka bang hindi ako mukhang clown dito sa make up ko? Patay ka sakin kapag pinag tawanan ako dahil dito ah." Siya kasi ang nag make up sakin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya kaso syempre diba mamaya hindi pala bagay sakin? Baka puro pang aasar lang ang makuha ko at hindi papuri.

"Ate! Tingnan mo kaya yung itsura mo sa salamin! Ayan ba ang panget?" Tumingin naman ako. Hindi naman masama kaso ewan. Mamaya kasi panget pala para sa kanila.

"Wag ka kasing kabahan. Maganda ka. Kaya mag bihis kana." Iniabot pala sakin ni Zac yung damit kanina, dumaan siya dito sa bahay.

Jusme. Naka sleeveless ako at naka short mamaya. Maganda naman kaso napaka halay. Mamaya nirarape na ko ng mga kalalakihan dun dahil sa damit ko.

"Oh pak na pak ate! Napaka ganda! Pwede ka ng maging model!" Rumampa ako kunwari model, sinuot ko na kasi yung damit. Feel na feel eh no. Hahaha

"Magugustuhan ka lalo niyan ni Zac." Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Ayokong inaasar ako kung kani kanino, gusto ko kay Katsumi lang.

Sabi nila Zac susunduin daw nila kami dito sa bahay. Si Miko? Ayon. Papunta na dito. Buti nga libre sakay kaming tatlo eh, makikisiksik kami kela Zac. Haha

Buti nga ay pinayagan kami ni Papa at Mama na manood sa laro, tsaka buti na lang hindi na nagagalit si Papa kasi kung sino sino na lang ang kasama namin. Baka siguro kapag hindi na sila busy ipapakilala ko na sa kanila yung mga bago naming kaibigan ni Aika.

Kenji is Calling..

"Hello?"

"Huy! Buti naman sinagot mo yung tawag ko. May problema ba tayo? Ba-"

"Ay aika! Andyan na ko! Uy sorry ha, late na kasi ako eh. Super. May hinahabol akong oras eh. Bye, tawagan na lang kita mamaya."

I ended the call. Palusot ko lang yon. Mangungulit na naman siya. Ang sama ko na bang kaibigan? Nakokosensiya rin ako onti sa ginagawa ko kay Kenji no. Porket may may new friends ako iniitchapwera ko siya.

Ni-dial ko yung number niya. Hindi dapata ko ganto. Kaibigan ko siya. Masama tong ginagawa ko.

"Oh hello. Akala ko may hinahabol kang oras?"

"Wala, okay na. Kamusta kana? Miss na kita."

"Okay lang naman. Hindi kana namamansin eh. Madami kana sigurong kaibigan dyan kaya hindi mo na ko pinapansin. Nakakatampo ka ha."

"Sorry na, sobrang dami lang kasing ginagawa sa school. Hayaan mo babawi ako next time. Madami lang talaga kasing activies eh."

Sinungaling ka talaga Mizuki.

"Malapit ba birthday mo, next next month na. Anong balak mo?"

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon