Chapter 40

483 20 12
                                    

Chapter 40

VOTE PO.
-

Mizuki's POV

"Asan na yung escort mo?!" Sigaw ni Papa.

Aba malay ko?! Maganda nga yun wala na yung balugang yun eh.

Bago yun. Happ Birthday to me! Ganap na dalaga na ang ate niyo, nasa legal age na rin. Madami na kong magagawa dahil nasa tamang edad na ko, kaso yung pagiging legal namin ni Katsumi ay mukhang malabo pa rin.

Usually kapag dalaga kana pwede kana mag boyfriend diba? Yung case ko kasi kaka 18 ko lang tas ikakasal na ko agad. Napaka saya naman nun diba?

Kasalukuyan silang nag hahanap kay Kenji ngayon dahil mag sstart na ang party wala pa rin siya.

"Ma, pwede naman tayong mag start kahit wala akong escort eh." Suggest ko. Bakit ba nila inaantay yun? Di ko naman kailangan ng escort eh.

"No! Si Kenji ang escort mo kaya dapat andito siya!" Sabat ni Papa, medyo bastos si Papa run. Si Mama ang kausap ko tas siya yung sasabat. Sorna.

"P-pero.. Nag-.." Nag iintay na yung mga tao sa labas.

"No buts! Mr. Nakamura yung anak niyo asan na? Mag sstart na ang party, sana naman binilisan niya diba? Paki contact naman." Nakakamatay ba kung wala si Kenji sa Party na to? Si Kenji ba ang may birthday? Hello! Magalit sila kung ako yung wala rito.

Ganon na ba kaimportanteng escort si Kenji? Pati si Papa nasisigawan na si Mr. Nakamura eh, mamaya murahin siya nun eh. >__< Nakakahiya.

"We're trying to contact him pero He's not answering." Sabi ni Mrs. Nakamura.

Hinayaan ko muna silang mag talo run, dami kasing arte. Pwede namang wala akong escort. Bahala sila dyan.

Umupo muna ako run sa couch at nag cellphone, na hahaggard ako sa kanila eh.

"Saang resto kayo kakain mamaya? Paka busog ka ha, kain kang pancit para humaba buhay mo. Hihi."

Binasa ko yung text message ni Katsumi, 5:00 pm siya nag text. 7:00 pm na pero ngayon ko lang nabasa.

"Sorry late reply, oo kakain po ako nun para sayo." Reply ko.

I sighed.

Nakakakonsensiya naman. Nag sinungaling ako sa kaniya. Ang buong akala niya kakain lang kami ng dinner sa labas pero ang totoo may party ako. Naguguilty talaga ako, wala manlang kasi siyang idea na may party ako at ang escort ko pa ay si Kenji.

Haaay! Mababaliw na talaga ako.

"Teh, ang fess ayusin."  Napaangat yung ulo ko, si Aika.

"Eh paano ba naman kasi.." Sabi ko at ipinakita ko yung text message ni Katsumi.

"Ayan kasi, lie pa more." Sabi niya habang naiiling iling.

"Eh ano bang dapat sabihin ko? Yung hindi siya yung escort ko? Alam mo namang sasama ang loob nun." Imposibleng hindi masaktan yun kapag nalaman niyang si Kenji ang escort ko. Mas lalo pa siyang masasaktan kasi hindi siya invited sa party ko kaya mas magandang hindi ko na sinabi sa kaniya.

"Pero mas nakakasama ng loob yung pinagsinungalingan ka ng girlfriend mo." Hays! Oo na, sige na. Ako na mali. Hindi ko lang talaga kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya eh.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon