Chapter 7

2.3K 59 13
                                    

Chapter 7

"BAKIT MO GINAWA YUN?"

I was shocked kasi nag kiss kami, like duh! He was my first kiss and I'm so so so mad because He stole my first.

"I-im s-sorry, I didn't mean it. Its just na out of balance lang ako kaya bumagsak ako.. sayo nga lang."

I don't know what to do or what to say.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, para akong inaatake sa puso. Imagine, boss ko first kiss ko? Ang galeng. -____-

"You stupid jerk! You stole my first!"

Galit na galit talaga ako sa kaniya dahil sa katangahan niya. Pwede naman niya kong kurutin na lang kung napikon siya sa mga sinabi ko pero bakit pa siya tumayo para ambaan ako? Kaines naman eh!

He laughed hard.

"Mahina ka pala eh! Akalain mo yun ako pa lang pala yung first kiss mo BWAHAHAHAHA."

"At masaya ka pa talaga? Fuck you! SAGAD!"

"Ang bad mo talaga!"

"Parehas lang tayo!" I rolled my eyes.

Ayun na lang ang magagawa ko eh. Ang tarayan na lang siya at tingnan ng masama. Wala na eh. Nangyari na.

Ang saya niya pa talaga eh noh? Nako! Jusko. Pigilan niyo po ako Lord! Baka ho makulong ako ng maaga dahil baka mapatay ko itong katabi ko.

Mas pinili ko munang manahimik. Pero siya daldal pa rin ang gawa. Kesyo daw wala pa akong boyfriend kasi ang panget ko daw. Pasalamat nga daw ako dahil siya daw ang first kiss ko, swerte ko na daw. So may utang na loob pa ko sa kaniya? Hindi ko alam kung saan siya nakuha ng lakas ng loob para sabihin lahat ng yan.

Alam niyo kanina pa ko nagwowonder dito eh. Hindi ko alam kung paano siya ganyan makipag-usap sakin? Hindi naman siya ganyan eh. Diba? Kilala natin siyang masungit, iritable, maarte. Lahat na ata ng kasamaan ng ugali nasa kaniya na. Gifted bes! Pero iba talaga siya ngayon eh. Sabi sa inyo abnormal talaga eh.

Sa pagkakakilala ko sa kaniya hindi siya natawa, hindi nga ko kinakausap niyan dati eh, though kinakausap niya naman pero kapag mag uutos lang siya. Pero ngayon, ANYARE? Mas madaldal pa sakin to ngayon eh. Pusta ako bente! Bukas makalawa may sungay na naman yan! Iba na naman ugali niyan! Jusko. Kailangan na talaga mag patingin neto sa doktor. Ako na nag aalala para sa kaniya.

"Ano ba yan! Kanina pa ko kwento ng kwento dito pero di ka nakikinig!" Nag pout siya. Eww!

"Bakit?! Ikayayaman ko ba kapag nakinig ako sa iyo? Tsaka di mo ikinapogi yang pag pout mo kay shut up kana lang."

"Yabang neto! Bakit maganda kaba?!"

OO, matagal na noh. Di mo lang talaga naaappreciate yung ganda ko. Che!

"Wala akong sinabing maganda ako."

Dinilaan niya lang ako. Tss parang bata. Di anamn bagay. Mukhang special child lang eh.

"Mizuki."

Nagulat ako ng nag salita siya. With a serious tone.

"Oh ano na naman? dedede ka?"

"Kadiri ka. Ano kasi, ngayon ko lang naisip na wala pa pala akong  alam about sayo, aalis kana pero tanging pangalan mo pa lang ang alam ko."

"Para saan pa makilala mo ko eh aalis na nga ako bukas. Di na tayo magkikita pa."

Napakamot siya ng ulo niya.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon