Chapter 38

457 20 2
                                    

Chapter 38

V o t e !
-

Mizuki's POV

"Ma, andito na kami." Sabi ni Katsumi nang makapasok na kami sa unit nila.

"Oh andito na pala kayo. Hindi pa luto yung pagkain eh, upo muna kayo dyan." Sabi ng mama niya. Abalang abala ito sa pag aasikaso sa lamesa pati na rin sa pagluluto.

Amoy pa lang ulam na.

Nakakagutom tuloy.

Umupo kami doon sa couch pero maya maya lang tumayo si Katsumi at pumasok sa kwarto, nang lumaba na ito ay bihis na siya ng pambahay na damit.

Kahit oversized shirt ang damit niya at naka jersey short lang siya ay napaka pogi niya pa rin, para sakin mas lalo siyang pumogi dahil sa sobrang simple niya.

"Wag ka nang ganyan makatingin, nakakatakot ka eh." Natauhan lang ako nang mag salita siya. Masama bang tingnan siya? Eh kung sa pogi siya eh. Ayaw niya pa.

"Pogi mo kasi." I mouthed.

Umupo siya sa tabi ako at nag cellphone habang ako nanonood ng t.v. Itsapwera ang beauty ko ngayon, ano naman ang ginagawa niya sa phone niya? May ka-text kaya siya o baka naman may ka-chat siya? Sino naman kung ganon? Babae ba o lalaki? Hays! Ang paranoid ko.

Baka may kausap lang na classmate. Wag kang praning Mizuki. Easy-han mo lang.

Pilit kong itinutuon yung pansin ko sa pinanonood ko. Takte naman kasi! Ilang minuto nang nakatutok sa phone ko 'tong katabi ko. Nagseselos na ko sa cellphone na yan ah!

"Baka naman gusto mo akong pansinin? Nag eexist din ako. Remind lang kita, baka kasi nakakalimutan mo." Hindi na ako nakapag pigil. Kasi naman eh! Sino ba kasi yung kausap niya?

"Ha?" Sabi nito habang nag cecellphone pa rin. Gosh! Wala talaga siya sa sarili niya? Busyng busy eh.

"Sino ba yan?!" Inagaw ko sa kaniya yung phone niya pero kinuha naman niya ito agad.

"Ano ba! Bakit mo kinuha?!" Sigaw niya. Wait, sinigawan niya talaga ako ah? Siya pa galit? Nakakaasar na talaga siya. Pagkatapos ko talagang kumain dito sa kanila, aalis na talaga ako. Kayamot siya.

"Sino ba yang kausap mo ha?! Importante ba yan? At bakit ayaw mong ipabasa sakin?!" Sigaw mo rin sa kaniya, sigawan na ituu.

"W-wala to. C-classmate ko nag text, nag tatanong lang ng assignment." Sabi niya. Siguraduhin niya lang ha?

"Ayusin mo Katsumi, umayos ayos ka." Sabi ko rito.

Hindi ko siya kinibo buong oras hanggang sa makakain na kami. Marahil nagtataka na to si Tita kung bakit hindi na kami nagpapansinan. Yung anak niya kasi eh, pinag papalit na ata ako agad. Sakit sa bangs. Ay wala pala akong bangs.

"May problema ba kayo?" Nagulat ako sa tanong ni Tita, muntikan na kong maloogan.

Walang nasagot sa amin, iniwas ko na lang yung tingin ko kay Tita. Ayokong mag tama yung tingin namin, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

"Thank you po Tita sa dinner. Nabusog po ako." Sabi ko sabay ngiti. Nag paalam na kasi akong uuwi, wala naman akong gagawin pa dito kasi yung isa dyan busy sa kausap niya sa phone. Kayamot talaga.

Hinila ako ni Tita, malayo kay Katsumi.

"Hija magtapat ka nga sakin, mag-kaaway ba kayo?" Ayan na nga ba eh. Ayoko ng ganyang tanong eh. Hindi ko alam ang isasagot ko eh.

"Ah eh. Hindi ko po alam eh. Busy po kasi siya sa phone niya, nag tatampo na nga po ako." Totoo, nag tatampo na talaga ako. Bakit niya pa ko sinama rito kung cellphone lang pala ang aatupagin niya? Ang saya diba?

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon