Chapter 15

1K 28 5
                                    

Chapter 15

"Nga pala, ngayon ko lang to matatanong. Yung nagkita tayo sa mall. Sino yung kasama mo? Boyfriend mo ba yun?"

Ah si Kenji.

"Asa naman no! Di ko boyfriend yun! Kaibigan ko lang yun."

Bakit kaya kapag mag kasama ang isang babae at isang lalaki, iniisip agad ng tao na may relasyon kayo? Iba talaga mga isip ngayon eh, parang technology lang ADVANCE.

"Easy lang! Nag tatanong lang eh. Buang din yung kaibigan mong yun ha, di ka daw si Mizuki.. Sinong niloko niya?"

Sangayon ako kay Miko. Buang talaga si Kenji. Di ko alam kung anong pumasok sa utak niya at sinabi niyang hindi ako si Mizuki. Nakakaloka talaga.

"Oo nga eh. Hindi ko alam dun."

"Wag kang maglalalapit dun, mamaya mahawa ka dun. Mamaya makita na lang kita nangagat kana kasi pati ikaw nabuang na rin." Mga naiisip talaga neto eh. Kakaiba eh. Mga imposible. Parang mas buang pa ata to kay Kenji.

"Hi Miss." Nagulat kami dahil lumapit sa amin yung Varsity player, yung kumindat sakin kanina.

Ang taray ko naman talaga oh, pang varsity na yung ganda ko! Dati rati itchapwera lang ako sa school eh, dinadaan daanan lang. Pero ngayon, BONGGA!

"Ay Hello." Nahihiyang sabi ko. Pero sa loob loob ko kinikilig na ko kasi ang fogi ni fafa.

"Transferee?"

"Yeah."

Wala akong masabi. Nakakailang din dahil hindi naman kami close tapos bigla niya kong kakausapin. Sobrang friendly naman niya.

"Boyfriend?" Tanong niya sakin sabay tingin kay Miko. Si Miko naman nanlaki yung mata.

"No and Never! Friends lang kami no." Sagot niya dun sa lalaki. Sobra naman siya makapag react? Swerte niya nga kapag naging jowa niya ko eh, ang ganda ganda ng jowa niya.

Tumango lang yung lalaki.

"By the way, my name is Zac." Inilahad niya yung kamay niya sakin, choosy pa ba ko? Inilahad ko na rin.

"I'm Mizuki." I smiled.

"Nice to meet you Mizuki." Sabi niya sabay kindat. At umalis na. May sakit ata yun eh? Kindat ng kindat eh. Nako, ipacheck up niya na yan mamaya napasma na yung mata niya.

"Kilig na ka naman dyan! Sumbong kita kay Katsumi dyan eh." Epal naman netong ni Miko.

"Edi magsumbong ka! Samahan pa kita!" Akala niya natatakot ako sa kaniya, ni hindi niya nga rin makausap si Katsumi tapos isusumbong niya pa ko? Sinong niloloko niya?

"Speaking of Katsumi.. May girlfriend na ba yun?" Tanong ko. Chance ko na to. Boba rin ako eh no, nakita na nga mismo ng dalawa kong mata na may girlfriend siya tapos nagtatanong pa ko. Nice naman.

"Bakit mo tinatanong?! Selos ka?"

"Sagutin mo na lang yung tanong ko! Ang dami dami mo pa dyang sinasabi! Bwisit ka!"

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon