Chapter 30

1K 38 2
                                    

Chapter 30- Happy Valentine's Day!

(A/N: At dahil wala namang ka-date si Author at wala namang magpapakilig sa akin ngayong araw, kayo na lang ang papakiligin ko. 💕 Happy Heart's Day everyone! 😘 Yung mga single dyan ikain niyo na lang yan! Hahaha. I love you guys! Anyway, please vote! Thank you po. God Bless!)

Mizuki's POV

Heto na ang araw na pinakahinihintay ng lahat.

Mapa single ka man o mapa in a relationship. Umaasa na may magbibigay ng chocolates at bulaklak.

Ako? Hindi naman sa naasa, medyo lang. Pero kasi sabi ni Katsumi date daw kami eh, hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin mamaya basta susunduin niya lang daw ako sa school. Mag dala nga daw ako ng extrang damit eh.

Medyo excited ako no! Syempre first time kong makipag date atsaka nakaka excite dahil siya ang ka-date ko. Swerte ko diba!

"Hoy! Kinikilig ka na naman dyan!" Ang lakas naman sumingit sa eksena netong kutong lupa na to. Sino pa nga ba? Edi si Miko. Kailangan pa bang imemorize yan?

Nung nakaraang araw pumunta si Katsumi rito at nagkita na sila ni Miko. Alam niyo yung ang sarap nilang tingnan dahil kahit lalaki sila alam mong namiss talaga nila yung isa't isa. Hindi nga makapaniwala to si Miko eh. Masaya daw siya na nakita niya ulit si Katsumi. Okay na silang dalawa, best friends na ulit sila.

"Sa tingin mo saan kaya ako dadalhin ni Katsumi mamaya?"

"Sa pulang hotel." Binatukan ko siya dahil dun.

"Utak mo talaga eh no! Napaka green! Bwisit to!" Napaka malibog eh. Ang daming alam sa buhay.

"Binibiro ka lang eh! Nga pala, uy ha! Idadate ko si Aika mamaya ha." Nag paalam pa siya? Alam ko namang hindi siya magpapapigil kahit hindi ako pumayag.

Akala ko kapatid ko lang ang swerte ngayong araw. Hindi ko akalaing may date rin ako ngayon. Nakakatuwa lang.

"Bahala kayo sa buhay niyo. Basta ingatan mo lang yung kapatid ko!" Ngumiti siya ng malawak na malawak. Kung hindi lang to patay na patay sa kapatid ko ang tagal ko na tong pinalayo dun. Pasalamat siya kaibigan ko siya.

Ang daming booths ngayon.. Jail Booth, Marriage Booth, Blind Date Booth, Harana Booth, Horror Booth at kung ano ano pang ka ekekan.

Bwisit na Jail Booth yan! Na-cutting-an tuloy ako sa isa kong subject dahil dyan! Halos isang oras akong nakakulong dun! Itong bwisit na Miko namang to hindi ako pinuntahan kanina para tubusin. Nakakaloka. Tinext ko siya pero hindi naman pumunta ang loko.

"Saglit lang bili lang ako sa canteen, natotom jones na naman ako." Paalam ko rito. Hindi kasi ako nag almusal dahil sa pagmamadali at late na naman ako. Ano pa nga bang bago?

"Lagi ka namang gutom." Hindi ko siya pinansin dahil ayoko nang makipag talo muna, kailangan hindi ako mai-stress dahil magkikita pa kami ni Katsumi mamaya. 💕

Habang naglalakad ako nalutang ang utak ko, iniisip ko talaga kasi kung saan kami pupunta. Sa fine dinning kaya o kaya naman sa park? Ewan. Ang hirap mamghula. Mamaya turo turo lang pala no? 😂

"Psst." Napatingin ako dun sa gilig, lalaking nakaupo sa bench.

Tiningnan ko lang siya at nag lakad na ulit.

His Personal JulalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon