A/N: With special appearance of Janna and Cissy (She holds the key / bulong )
And Special mention of Geela and Aubree ( of Ciereena)
Bigla ko kasi sila namiss eh.
-------------
TWEETY'S POV:
TINUTURING kong isang malaki at masayang panaginip ang nagdaang gabi sa amin ni Sugar. Isa siyang model, celebrity, sikat at hindi ako nababagay sa tulad niya. Itatago ko sa kaibuturan ng puso ko ang naganap sa pagitan namin. Parang isang premyo lang na hindi pang-matagalan. Wala akong pinipilit sa kahit sino.
Hindi ko kinuha ang number niya dahil simula pa'y alam ko kung saan ako lulugar. Bonus na rin na iisang subdivision kami nakatira at may posibilidad na mag-krus muli ang landas namin.
May luncheon-meeting ako ngayon sa JLC Café. Hindi ko kasi mahindian ang high school friend kong si Xander sa pabor na gusto niya.
"Alam mo Andoy, bakit ba bilib na bilib ka sa akin? Production lang ang kompanya namin ni Blossom pero hindi ako nagdidrek. "
"Correction Tweets, hindi na. Dahil dati 'yon ang passion mo. Tsaka two minute commercial lang 'to, maning-mani sa inyo ni Blossom panigurado."
"Tingnan ko muna ang concept atsaka sino ba 'tong hindi mo rin mahindian?"
"Hmmm..pa'no nga ba? Kababata ko sa probinsiya si Luis. Then, ang tatay no'n may second wife na nabyuda din agad. Yun ang may-ari nitong Coffee shop."
"Aah…naririnig ko nga 'yung JLC na 'to sa mga blogs at social media."
"You must try their pastries and coffee, hindi sila pahuhuli. Actually, first time nilang susubok magcommercial."
"First time? Naloloko ka na ba Xander? Ambigat naman ng request mong 'to? Mataas ang expectations sa mga first time. Baka di ko makayanan 'yan?"
"Relax, tara pasok na raw tayo sa loob."Simple and cozy ang ambiance ng JLC Café. Magaan ang vibes ko. Pumasok kami sa isang maliit na office sa likod ng shop. Hindi mo aakalaing may kuwarto pala sa part na 'yon. Pagpasok ay nakita ko ang dalawang magandang babae na wala kang itulak-kabigin. Ngumiti silang dalawa sa amin ni Xander.
"Hi, have a seat please," sabi ng isang mas maliit na babae.
"Ow thanks. Is Louie around?" Ask ni Xander/Andoy.
"Ahm nasa Davao pa at kabuwanan na ng misis niya. Anyway can you introduce to us this lovely lady?"
"Oh, Ah Tweety si Janna Marie Vargas, owner of the JLC and she's Cissy Vargas, the co-owner."Pareho ng apelido? Magpinsan? Pero walang resemblance kahit saang anggulo ko tingnan. Napansin siguro nilang naglit akong nag-isip. Sumagot si Janna.
"Hi Tweety. What a cute name. Cissy here is my wife. We're a couple."
Hang-taraaay! Wify ang peg?! Totoo ba o assuming lang na mag-asawa sila? Pero magka-apelido na sila eh.
"Oh please to meet you. Can we start?" Maikling sagot ko na lang.
So yun, diniscuss namin ang concept ng commercial. Gusto lang nilang iadvertise ang bago nilang produkto na mismong recipe ni Janna. Kung mahahabol nga raw sana before Valentines Day. Sinabi ko naman na matagal na akong hindi nagdidirek pero gusto pa rin nila akong kunin. Team naman kami ni Blossom dito eh.
"So, bukod sa produkto at location ay okay na tayo. So may mga available models ba kayo na gaganap or kami rin ang kukuha?"
"For cost advantage, may irerecommend akong dalawa. Yung store manager kong si Geela at si Aubree na friend niya. Puwede naman silang dumaan sa screening kung papasa. Naisip ko lang na may puso sila sa JLC kaya ma-eexecute ang script na naisip ko," deretsong paliwanag ni Janna.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...