SUGAR'S POV:
SA maniwala kayo o hindi, hindi ko inaasahang may mangyayari na naman sa amin ni Tweety. Basta sa moment lang na 'yon, ang gusto ko lang ay halikan siya pero nagtutuluy-tuloy ang pagningas ng apoy.
Gusto ko ng sabihing mahal ko siya pero naisip kong sa tamang panahon at hindi sa tagpo na nagniniig kami.
Ayokong isipin niyang nasambit ko lang ang salitang mahal kita dahil sa bugso ng damdamin. Gusto kong maramdaman niya ang damdamin ko, ang puso ko.Lumipas ang isang linggo na hindi nagmintis ng pagpapadala ng bulaklak si Tweety sa akin. Lagi niya akong dinadalaw sa bahay at sa unit ni Adam kapag nando'n ako.
Pero sa mga moment na 'yon ay nag-iwasan kami parehong maging intimate. Marahil ay pareho kaming naninimbang.Huling araw ng shoot sa commercial. Bawat modelo ay may kanya-kanyang araw ng shoot pero itong last day ay sabay-sabay na ang kuha ni Tweet. So far so good. Kahit na minsan na medyo naiirita kami sa isa't-isa ay nagiging professional kami.
During break from shoot ay sumilong ako sa Tent. Umiba kasi ang pakiramdam ko ng maging malapit si Chiffon kay Tweet at nagpapaturo ng mas effective na anggulo para sa acting niya. Bisexual si Chiffon at alam kong nilalandi niya si Tweet. Pansin ko namang wala kay Tweet 'yon eh.
Ang eksena kasi ay hahaplos si Chiffon kay Kit mula likuran paikot sa dibdib. Nakita kong kinorner niya si Tweet at kinuha ang kamay nito para kunyaring si Tweet si Kit. Nanunukso ang mga haplos ni Chiffon kaya't naging asiwa si Tweet. Wala naman akong magawa.
Pinuntahan ako ni Tweet. Tapos ng kunan ang mga eksena ko kaya panatag na akong magpahinga. Pagpasok niya ay nilock niya ang zipper ng tent.
"Can we talk?" she asked sabay upo sa isang stool. Lumagok muna ako ng tubig bago sumagot. "Yes?"
"Tapos na eksena mo kaya baka puwedeng magbihis ka na?"
"Lalangoy pa ako mamaya."Kinuha niya ang roba kong nakapatong sa isa pang stool. Suot ko pa rin ang two piece ko dahil nga beach ang settings ng commercial. "Here, ipatong mo muna sa 'yo."
Inismiran ko siya. "Bakit naman? Dadalawa lang tayo dito sa loob? May makakakita ba? Mamaya na lang paglabas."
"Kanina ka pa masungit?"
Lumapit siya sa akin at hinagod ang ulo ko. Umiwas ako at kunyaring inuubos ang bote ng icedtea ko.
"Mainit ang panahon."
Biglang lumuhod si Tweety at ginagap ang kamay ko. "Stress?" tanong niya habang minamasahe isa-isa ang daliri ko. Guminhawa ang pakiramdam ko sa ginagawa niya. Unti-unting nagsubside ang inis ko. "Magkakaro'n lang ako pero hindi ako stress," sagot ko.
Ngayon lang ulit kami naging ganito kalapit sa isa't-isa at umiinit na naman ang pakiramdam ko. Marahan kong binawi ang kamay ko.
"Kamusta si Chiffon? Naapektuhan ka na ba sa mga yapos at tsansing niya sa 'yo?"
"Sabi ko na eh. Kaya ka ganyan no? Ano ka ba, hinahayaan ko lang siya dahil hindi ko namang ugaling mamahiya. Pero sana nanotice mo ang paglalagay ko ng boundary."
"Sorry. Di ko alam pero naiirita ako sa kanya."
"Eh pa'no 'yan? Siya na isasalang ko? Maiinis ka na naman?"
"Kilala ko si Chiffon Tweet, artista 'yan. Literal na artista."
"Hindi siya uubra sa akin."Nagtama ang mga mata namin. Sa inaasahan, tumayo siya at inakay din akong tumayo. Kinawit niya ang kamay sa batok ko, kinabig papalapit sa kanya at naglapat ang aming mga labi. Namiss ko 'to, ang labi niya sa labi ko. Malumanay ang naging halikan namin ni Tweet. Naramdaman kong ngumiti siya. Kinagat ko ng banayad ang lower lip niya.
"Naughty girl," sabi niya. "After the shoot, ito na ang huling paglabas mo sa media."
"And why?"
"Dahil 'yon ang gusto ko."
"And why?"
"Dahil magiging akin ka na."
"And how?"May kinuha si Tweet sa bulsa na polo niya. Kinuha niya ang kamay ko at lumuhod siyang muli.
"Suzanne Margareth, will you marry me?"
Nagsalubong ang kilay ko. Teka…teka…..marry agad? Ako? Sa Kanya? Kami? Nakatitig ako sa singsing na hawak niya. Hindi mumurahing alahas 'yon. Nakita kong ngumiwi si Tweety dahil nakaluhod siya sa buhangin at naa-out of balance na siya.
"Tweet….ano'ng ginagawa mo?"
Hinigpitan niya ang hawak ang kamay ko.
"Look babe, nakikita mo naman kung gaano ka importante sa akin. Matagal kong pinag-isipan 'to pero ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. Wala akong pakialam kung anong level na ng pagtingin mo sa akin pero alam kong may nararamdaman ka rin for me. Matutunan mo din akong mahalin. Sugar…I love you. Mahal kita."May sumungaw na butil ng luha sa isang gilid ng mata niya. Mahal ko si Tweet pero hindi ko masabi ngayon dahil parang obligadong ako tugunin 'yon once mag iloveyou siya.
"Please? Take me as your girl please?"
"Uhm…..Tweet c'mon, tumayo ka muna."
"Please? Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ka sumasagot. Kung oo, salamat. Kung hindi…..ito na ang huling araw na makikita mo ako."
"Sasagot ako pero tumayo ka muna kasi okay? Nahihirapan ka na dyan."
"Wala ito sa mga hirap ng kalooban ko sa nakalipas na mga buwan."
"Okay…okay. I---- I can be your girl pero binibigla mo ako. Marry agad?"
"Oo nga pala, di mo pa pala ako sinasagot bilang girflriend. Naisip ko kasing kasal agad para hindi ka na makawala sa akin."
"Haaay!"Sinuot niya ang singsing sa daliri ko. "Take this ring baby as a sign of my pure love. Mahal na mahal kita at handa akong maghintay sa pag-ibig mo."
Lihim akong naiyak at pinahid agad ang luha ko. Ang tagpong ito na minsan kong pinangarap kay Devin ay kay Tweety ko naranasan. Pero lubhang napakabilis. Niyakap ako ni Tweety.
"I can't believe na girlfriend na kita. Pangako Sugar na hindi ka iiyak sa piling ko. Gagawin ko ang lahat."
Kumalas siya ng yakap at tiningnan ako sa mata. She cupped my both cheeks. "Sorry. Sorry kasi as much as I wanted this proposal to be special, inisip din kita. Plano ko sanang iaanounce sa labas na witness ang lahat kaya lang alam kong masasangkot ka na naman sa isang iskandalo. Ayoko ng mangyari ulit 'yon."
"Tweet…I don't know what to say."
"Hindi kita pinipilit na sabihin ang salitang nais kong marinig. Pero sa ngayon, sapat ng ibigay mo ang tiwala mo sa akin at ang kaalamang akin ka."
"Tweet….hindi naman kaila sa 'yong mahalaga ka sa akin pero nabibigla ako. Bago sa akin ito, ang lahat ng ito pero willing akong magtake ng risk. Isa lang din ang hiling ko, na sana'y huwag na itong makalabas muna. Takot akong madisappoint kita kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin at asahan sa relasyon na 'to.... natin."
"Just trust me."
"Okay."Muli niyang kinabig ang beywang ko at dinampian ng halik ang labi ko. "I love you so much Sugar…."
--------------
Just a short update..
Thank you for voting and sa feedback..
Shan May 10, 2017
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...