Chapter 28: Next time?

4.9K 152 7
                                    

SUGAR'S POV:

           "Okay ka lang ba Shugz?" tanong niya. Makailang ulit kasing dumudulas 'yung susi ng kotse sa kamay ko. Kinakabahan kasi ako. Napabuntung-hininga ako ng marinig kong tinawag niya akong Shugz. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin no'n. I hate myself in lying.

          Sana masabi ko na ang totoo.
Nang  sa wakas ay nastart ko na ang kotse, salamat naman. "I can drive, sa'n ba lugar mo dito? Baka kasi pagod ka na?" alok ni Tweety.

            "No I'm fine, okay lang talaga. Ngayon lang tayo nagkita, pagmamanehohin pa kita. Carry lang," simpleng sagot ko. Bakit ba ako biglang pumayag na makasama siya ngayon?

            "Ayaw ko lang mapagod ka kasi halata na sa mata mong pagod ka na sa party."
          "Okay lang talaga, huwag ka ng mapilit."

          Tumahimik na si Tweety. Ganyan talaga siya eh, once umiba na tono ko, tumtiklop na siya.

          "Busog ka na ba?" tanong ko.
          "Oo, masarap kang magluto."
          "Siyempre. Nagpakadalubhasa ako sa ibang bansa para matupad ang pangarap ko."

Bigla siyang tumahimik.

            "Ehh..pag nagkaka-amnesia ba, ang mga past dreams and hopes hindi nakakalimutan?"

           Alam ko ang tinutumbok ni Tweety. "Ewan ko. Basta alam ko lang na 'yun ang gusto ko."

            "Aaah…alam mo Shugz, minsan nagbasa ako ng pocketbooks. Madalas kapag ang bida may amnesia, lagi nilang sinusulat na isip lang daw ang nakalimot pero ang puso, hindi."
          "So ano'ng ibig mong sabihin?"

       Patuloy lang ako sa pagdrive pero di na ako at-ease sa topic namin ni Tweety.

           "Uhmmm….may naiwan ka bang uhmmm….past, I mean past love gano'n?"
          "Wala akong naging mahal sa Italy. Pero nararamdaman kong parang may kulang sa pagkatao ko. Ayoko ng balikan ang nakaraan
kaya't di ko na rin pinilit alalahanin. Pero ang sabi ni Adam, may isang tao akong minahal. Devin daw."
          "Ehem…"

        Napatingin ako sa kanya. Tila hiniwa ang puso ko sa nakitang pait sa mga mata niya. Ang salbahe ko.

           "P-pero minsan may mga flashes sa isip ko na di ko maintindihan," pinanindigan ko na.
           "Like?"
           "Aamm….parang may iba pang involve sa nakaraan ko na dapat kong harapin. May nararamdaman akong guilt sa loob loob ko na dapat ko ring ayusin. Ewan ko, magulo pa eh. Bigla-bigla, pinauwi ako ni Adam ng Maynila para sa event na 'to. How about you? Sabi mo friends tayo noon? Parang close talaga tayo."

          Nakita kong nalito si Tweety. "Hindi na siguro importante 'yung past Shugz. Basta ang mahalaga, nagbalik ka na at makakasama na ulit kita. Makita ko lang na safe ka at maayos ka, ayos na ako.
Puwede bang magsimula tayo as friends? Natatakot ka ba sa akin? Naniniwala ka bang close tayo dati?"

         "Yes. My heart says yes."

          Kinabig ko ang manibela pakaliwa. "We're here, bahay ito ng pinsan ko. Mahal kasi ang hotel para sa isang araw. Ang mom ko ang nagsuggest na dito ako tumuloy."

         Nakita ko siyang ngumiti. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

             "Wala  naman Shugz. Natutuwa lang ako na makalipas ang isang taon, parang ambilis mong nagmature."
           "Bakit naman?"
           "Noon kasi, mabilis kang bumili ng mga gamit ng hindi tinitingnan ang presyo. Sa yaman niyo kasi parang walang halaga ang pag-gasta."
            "Lahat naman Tweet nababago eh." pero hindi ang pagmamahal ko sa 'yo.
           "Obvious naman eh."

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon