Chapter 32: Love of my Life

4.9K 152 12
                                    

SUGAR'S POV:

          I was really worried nang hindi na nag-rereply si Tweet sa messages ko. It's not so her. Nag-riring naman ang phone niya. Ayoko namang isiping may nangyaring masama. Ayoko ng mawala pa siya sa akin.

           Pagkasabi niya na nasa Manila Pen siya ay agad akong nagpaalam kay Adam at alam kong may malapit na flowershop sa hotel. I was amazed seeing myself holding a boquet of flowers. Parang wow! Ako ba 'to? Sanay akong ako ang binibigyan at heto ako ngayong may bitbit para kay Tweety.

            "Uhmmm...." napaungol ako ng lumalim ang halik niya. Ay sobrang namiss ko ang ganito. Hindi na ako nagpakipot at di ko na rin kayang sikilin ang damdamin ko para sa kanya. Nagkalas kami ng yakap.

           "Di mo man lang ba babasahin ang card? Sulat ko 'yan."
"Hindi kaya sulat na naman ng pamamaalam 'to?"

           Kinurot ko ang tagiliran niya. "Umhp, ikaw talaga! Sabi ko kalimutan na natin diba?"
"Sorry naman, natrauma lang. Huwag mo ng balaking iwan akong muli ha?"

I gave her a smack. "Uhmmmuwah! No, never. Promise."

Nakahiga na kami sa kama ngayon. Nakarest ang ulo ko sa braso niya at malambing niya akong yakap. My arms around her waist too. Amoy ko ang natural scent ni Tweety na minsa'y nakaka-L. May times na may gano'ng effect siya sa akin. Basta gano'n. Nilalaro ng mga daliri ko ang tyan niya.

           "Tweet...sorry for everything. Alam kong malalim at mabigat ang naging kasalanan ko pero hindi ko sinasadya. I was confused with myself, sa situation ng buhay ko, sa lahat. Hindi ko nakita ang importansya ng pagmamahal mo. Nakalimutan kong kahit kailan, maaasahan kitang sandalan. Parang alam mo 'yon? Lumayo ako para may mapatunayan without me knowing kung ano ba talaga ang dapat kong patunayan."

            Hinalikan ni Tweet ang ulo ko bago ako kinabig ng mas mahigpit na yakap. "I fully understand. I feel it in my heart, I trust my instinct na hindi naman magtatagal ay magkikita tayo ulit. I'm just giving you time to fix everything that you considered a mess in your life."

           "E paano mo ko hahanapin?"
           "Sus! Sa tingin mo ba naniniwala akong walang alam si Adam? Nagulat lang ako sa pagpapanggap mong may amnesia ka. Hindi bumenta eh. Pero mas nakabuti kaya 'yon? Kasi I have the chance na lumapit ulit sa 'yo."
           "Aaahh...."
          "Shugz? Namiss mo ba ako?"
           "O naman! Walang minutong hindi kita inisip at walang gabing pinanalangin kong mapanaginipan kita. I intend to look for you naman, naunahan lang ako ng pagkakataon."

            Muli niyang hinalikan ang ulo ko. "Eh bakit mo naman ako hahanapin? Dahil may kasalanan ka?"
           "Siyempre naman, bukod do'n may iba pang dahilan."
            "Ano naman?"
            "Secret."

           Tumahimik si Tweety dahil sa sagot ko. Hmmmmm...maya-maya ay kinuha niya ang braso kong naka-akap sa kanya. Naku, nagtampo yata.
Nang magkaro'n ng space sa pagitan namin ay bigla niya akong kiniliti sa tagiliran.

            "Aaayy!!! Hahaaahh!!! Tweet ano ba!!!"

           Malakas ang kiliti ko sa waist. Ayaw niyang tigilan ang pangingiliti. "Aaaw Shhit! Tweet Ano ba! Hahahah!!"

            Lumuhod na si Tweety sa tabi ko at walang humpay na tinusok tusok ang beywang ko at nangingiliti pa rin.

            "Secret ha....ano?? Secret pa? Ha? Ha? Ha? Sige....uhhmmm....hala, sige Sugar!"

             Tawa ako ng tawa habang kinikilit ako ni Tweety to the the point na para akong bulate kakaigtad at sa pagbaluktot ng katawan para di niya ako makiliti. Ang bruha, habang kinikiliti ako eh kumanta pa?

" ♪ Sugar! Kembot! Sugar Kembot! Ikembot mo all around. Sige kembot, sige kembot!"

           Hanggang sa sabay na kaming tumatawa. "Hahahaha!! Oo na! Oo na! Shit! Sasagot na, tama na! Suko na!"
Sabay kaming hinihingal at nanlalata na sumalampak sa kama.

             "Grabe ka! Ang mean mo!" sabi ko.
             "Ikaw ang mean kaya. After all these years ha. Ayaw mo pa ring aminin?"

            Tumagilid ako paharap sa kanya. Sumeryoso sya bigla? Nakatingin lang siya sa kisame. Pinindot ko ang ilong niya sabay halik ng madiin sa pisngi niya.
 
           "Uhhhmmmmuwaah! I love you....."
             "Hmpf! Labas sa ilong Sugar! Huwag ka nga," may tampo sa boses niya.
            "Hala ka...ang babae nagtatampo."
             "Ang tagal kong hinintay na sabihin mo 'yan tas ganyan lang?"

             Sa kisame pa rin siya nakatingin. "Alam mo Tweet? Minsan mas bagay sa 'yong artista keysa direktor? Ang arte mo."

            Marahan siyang tumalikod. Nagpapabebe ang luka-loka!
Umalis ako sa kama at umikot sa side niya. Lumuhod ako na kapantay ng mukha ko ang mukha niya. Pinitik ko ulit ang ilong niya.

            "Huuuy! Drama mo ah. I love you nga talaga." Nakita kong gumalaw ang lips niya.

            "Uuuuyyy....ngingiti na 'yan.... Uuuuuyyy....love ko yaaaaan..Huwag mo ng pigilan Tweet, hindi bagay."
             "Hmpf!"
            "OA mo! Mahal nga kita! Gusto paulet-ulet?!"
             "Seryoso? Walang bawian?" tanong niya pero di pa rin siya ngumingiti.
            "Ms. Tweety Dela Vega, mahal kita okay?"
           "So tayo na ulet?"
            "Eh akala ko ba hindi tayo nagbreak?"
           "Sabi ko nga. Tumayo ka na dyan. Bumalik ka na rito at yakapin mo ako dali."

            Tumayo nga ako at umikot ulit sa kabilang side. Di pa rin siya umiikot paharap sa akin kaya niyakap ko na siya, with my chest pressing on her back. I put my arms around her waist and whispered... "Andyan pa ba ang pagmamahal mo sa akin? Natatakot akong lumipas ang panahon at dahilan para mabawasan 'yon especially noong iwan kita."

           She held my hand tightly then kissed it. "Humarap ka naman sa kin, huy!"
             "Pag humarap ako may kiss?"
              "Oo! Madameng-madami!"

             Tweety laughed softly. Humarap siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You're my world Margareth. Huwag mo na akong iwan ulit."
             "Do you still love me?"
             "Shugz...I love you....With all my heart, much more you could imagine."

Nangilid bigla ang luha ko at pinipigilan kong bumigay. Tumatagos ang bawat salita ni Tweety kasabay ng sinserong nangungusap na mga mata.

            "Don't ever feel again that you're not worthy because you are indeed special to my heart."

Pinahid ni Tweety ang maliit na butil ng luha sa sulok ng mata kong nagbabadyang bumagsak. She got close to me and pressed her lips on my lips. "I love you," she murmured.

Tweety kissed me lovingly and passionately

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tweety kissed me lovingly and passionately. Mahal ko ang babaeng ito at gagawin ko ang lahat para siya magtagal sa buhay ko.

------------

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon