Chapter 27: Beside You

5.2K 163 16
                                    

TWEETY'S POV:

            "Baka nga naman panahon na para masettle na ang lahat sa inyo?" sabi ni Blossom. Nakaupo siya sa harap ko, dito sa conference room ng office ko.
 
           "Di ko nga alam. Pero pag nakita mo siya, siyang-siya pa rin. Hindi lang ako makapaniwalang di niya ako naalala."

           "Sigurado ka bang di ka niya naaalala? Baka nagpapanggap lang siya? Ano ba pakiramdam mo?"

           "Hati eh. May parte na ayokong maniwala, may parte na parang totoo naman. Kasi, kilala ko siya eh. Excited 'yon at kumikinang ang mata sa tuwing magkikita kami."
            "Then?"
            "When she saw me, parang wala lang. Parang walang effect. To think one year kaming di nagkita pero normal na normal naman siyang nagsasalita. No'ng kaming dalawa na lang, gano'n din. Strangers. Ewan ko ba, naguguluhan ako."

          "Kawawa naman pala siya kung ganon. Matapos mong takasan ang nanay mong linta, naaksidente ka naman. Pero ang pinagtataka ko, bakit si Adam, parang wala naman daw nabago? Baka naman, ikaw lang ang nakalimutan niya?"

           "Hindi na ako nag-usisa eh."
           "Di pa kayo nakapag-usap ulit?"
           "Hindi pa. Gusto ko sigurado ako bago ko siya kausapin?"
           "Ano'ng sigurado?"
          "Desidido akong balikan siya at paibiging muli. Actually, technically kami pa rin diba? Siya lang umalis, di naman ako sumagot sa pakikipag-break sa akin?"
          "Eh pa'no kung dahil sa aksidente eh, straight na pala siya, pa'no aber?"
          "Straight siya noon, mababali ko pa rin siya ngayon. Baka sakaling sa puso niya, ando'n ako at may maramdaman ulit. Kumbaga eh…konting pitik lang baka mabuhay ulit ang pagnanasa, ahahaahh!!"
           "Haaay! Ano'ng plano mo?"
           "Hmmmm…..next week 'yung kasal ng barkada namin si Tintin. Surprise party 'yon ng bf niya actually. Siya ang mag-aasikaso ng catering."
           "Sure ka bang siya? Eh kung tumakas ulit?"
           "Di naman. Nakausap ko si Adam to confirm. Nagexplain naman siya kumbakit di rin siya nakipagcommunicate sa akin during those times."
            "Okay, goodluck then! Sana nga ay magka-ayos na kayo. You deserve to be happy beshy."

---------
             Araw ng party sa Grandview Hotel. Isang medium function room ang nirentahan ni Mr. Padilla. Excited na akong makita si Sugar. Pumuwesto kami malayo sa stage, at malapit sa Buffet. Siyempre, para malapitan ko siyang makikita.

          Tumayo muna ako when I saw Denz and his wife,  Jemma. Boss ni Jemma si Mr. Padilla, o si Bryan. Niyakap ako ni Denz.

            "Hey! What a small world ha, kamusta na direk. Oh by the way, my wife Jemma. Hon, si Tweety Dela Vega. Friend ni Xander since highschool." 
           "Hi, small world nga. You happened to be a friend of the bride too. Nice to see you. Actually, I'm a fan."
          "Hehe! Thanks."
           "Si Adam bakit wala?"
           "Ah may emergency kasi sa…..family."

        Yun na lang sinabi ko kasi di ako sure kung alam ni Jemma na gay si Adam, na dating patay na patay sa asawa niya ngayon.

             "O nga eh. Buti na lang, free ang si Sugar ano? Kailan ba siya umuwi? San ba siya galing?"
           "Uhm..honestly, wala pa akong masyadong alam eh."
           "Okay, lets catch up later."
           "Sure."

       Pabalik na ako sa upuan ko nang mamataan ko ang isa sa mga classmates ko noon, si Benhur. Nanligaw siya dati kay Tintin at nung binasted ay ako ang sinunod niya.

        Once ko pa lang siya nakita after gradaution nu'ng magreunion kami. Mas naging macho siya ngayon. "Oh hi Ben! Long time no see?!"

           "Uy! Tweet kamusta! Buti naman at nadalaw mo ang hometown natin. Palibhasa sikat ka na!"

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon