Chapter 9: Seduction

7.5K 198 4
                                    

TWEETY'S POV:

         LUMUSONG sa tubig sina Adam at Xander. Lumayo ako ng konti kay Sugar. Buti na lang at di kami naabutang intimate nu'ng dalawa.
I do admit naman na attracted ako kay Sugar simula pa man. Then sa part niya. I know it's purely lust. Ano pa ba ang maitatawag do'n? Kailan lang kami nagkita and yet gano'ng kabilis kumalat ang apoy sa tuwing magkasama kami.

         Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko 'to. Tingin niya lang, nag-iinit na ako. Madikit lang, mas nag-iinit. Kaya hindi ko masisisi sarili ko kung maulit mang may mangyari sa amin, maliban kung tatanggihan nya ako. Pero ano ba ang magiging ako? Boyfriend niya si Adam, pero nakikipaghalikan at lambingan siya sa akin? Oh! So ridiculous, isn't it?

          Lumangoy si Adam kasunod si Sugar. Natural, susunod siya. Nilapitan ako sa isang sulok ng pool ni Xander.

          "Mare, there's something bothering you I feel it," tapik ni Xander sa akin.
          "Yeah."
          "Sugar no?"
           "Sugar agad? Hindi ba puwedeng si Adam naman?"
          "At kailan magkaka-interes ang isang lesbiana sa lalaki?"

          Sinabuyan ko siya ng tubig. "Loko ka ha! Baka gusto mong atrasan ko 'yung project?"
          "Nah...you can't do that. Isa kang taong alam kong may palabra de honor."
          "Umayos ka kase!"
          "I got it! Type mo nga si Sugar. So what seems to be the problem?"
           "I don't know. Look at them. Happy ba sila as a couple?"

          Tiningnan ni Xander sila Adam. "Hmmm...mukha naman. Hindi sila magkakaron ng sex scandal ng dahil trip lang?"
           "Hindi nga ba? Di nga kaya trip lang 'yun?"
          "Bakit naman?"
          "Wala akong romance na nakikita sa mga mata nila."
         "O dahil lang 'yun ang gustong paniwalaan ng sarili mo?"
        "Basta! Nasa'n nga pala si Denz?"
         "Susunod na lang daw. Magsa-shower daw muna."
         "Is Denz single?"
         "Single kaming lahat pero ako lang ang engaged. Si Denz naman, baka sagutin na ng nililigawan niya. Si Adam? Ayun, na kay Sugar."
         "Ayoko na sa tubig, uwi na ako."
         "Sure, di na kita hahatid. Dyan ka lang naman pala nakatira."

           Aahon na sana ako nang bigla akong may maisip. "I've changed my mind amigo. Punta ko do'n sa kabila kina Sugar."

            Lumangoy ako papunta sa kanila. Natigilan sila sa pag-uusap nila.

            "Sorry, am I interrupting or something?" tanong ko sa kanilang dalawa.
           "No, hindi naman. Kayo yata ni Xander ang may something?" May diin sa something sa sinabi ni Sugar.

           "Huh? Wala no! Engaged na 'yung tao. Tropa lang kami no'n," sagot ko. Tumabi ako kay Adam at pakunyaring dinidikit ang braso ko sa braso niya.

           "Wait guys, I wanna pee, for a minute," sabi ni Sugar habang lumangoy papalayo. Sinundan ko siya ng tingin at naaaliw ako sa galaw ng balakang at butt niya. Ang sexy lang, tsk! Bumaling ako kay Adam. Blangko ang expression.

           "Lalim ng iniisip mo?" tanong ko sabay humarap sa kanya. I moved myself a bit more close to him.
Inalis niya ang tingin niya sa akin. Umikot ako sa likod niya at bahagyang dinikit ang breasts ko sa likod niya.  Hindi siya tuminag. Bumulong ako tainga ni Adam at diniin ko na ng todo ang dibdib ko sa ma-muscle niyang likod.

         "Mahal mo ba si Sugar, Adam?"
          "O-of course."

           Sinimulan kong ikiskis ng marahan ang dibdib ko sa likod niya. "Ni saglit ba ay hindi mo naisip na tumikim ng iba?"

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon