Chapter 38: Trials

4.5K 159 7
                                    

SUGAR'S POV:

         BUMALIK ang dati sa normal sa pagitan namin ni Tweety. Wala akong gagawin sa relasyon namin na ikakasira ko. Hindi ko lang inasahan ang engkuwentro na 'yon mula kay Devin.

      Nasa opisina na ako at kasama ko na si Adam. Wala namang masyadong gagawin, puro lang muna kami sagot sa mga inquiries ng mga possible clients.

    Magkatapat ang mesa namin ni Adam.

             "Hindi na ba bumalik 'yung tita ni Princess?" tanong niya. Napuyat kami kagabi sa kuwentuhan. Financial assistance lang daw ang gusto ng naanakan ni Terrence. Hindi nga alam nitong huli na nagkaanak siya. Nangyari daw 'yon sa isang reunion nilang magkakaibigan at matagal na raw tipo ng babae si Terrence. Nakarating sa babae na gay nga itong Terrence kaya't hindi na rin naghabol. Nawalan daw ng trabaho ang babae kaya't hinabol si Terrence.

           "After a week, wala naman. Tahimik naman. Sana nga ay manahimik na sila pare-pareho. Tahimik na ang buhay ko kaya sana nama'y ganun din sila. O ikaw naman? Ayos ka na ba?"

           "Oo baby girl. Buti na lang at naipush mo pa akong huwag sumuko."
           "Ano na nga ulit plan niyo? Sa anak ni Terrence?"
           "Susustentuhan na lang daw buwan-buwan. Wala naman daw siyang balak maghabol ng custody pero open siya anytime if ever ibigay naman ang bata sa kanya."
          "Babae ba o lalaki anak niya?"
          "Girl, eight years old na rin."
           "Eh diba engaged na kayo ni Terrence? Level up na ba?"
           "Not now. Gusto mo ba iwan na kita? Carry mo na ba? Definitely, sa ibang bansa kami magse-settledown."
         "Kakayanin why not? Di naman ako selfish na pigilan ka. O nga pala Bes, nagpalit na ako ng personal number ha. Si Devin kasi minsan nagtetext pa rin."
           "Aaah…sino nakakaalam?"
           "Family, Tweety tsaka binigay ko na rin kay Olga."
           "Olga talaga ah?"
            "Di naman kasi siya nagpaka-ina sa akin. Naaawa lang ako talaga."
           "Tahimik nga rin siya no? Sana lang walang biglang bonggang pasabog ang mga kaganapan sa buhay mo sa mga susunod na araw."
           "Huwag mo namang iwish, hahahah!"
          "Naisip ko lang naman. Eh kayo naman aber? Sa'ng level na ba kayo? Pa-Tweety Tweetums pa rin? Aba! Bilis-bilisan mo ineng! Sa mga kasalanan mo, baka mabagok na utak ni Tweety, matauhan sige ka. Grabe love no'n sa 'yo no? Ang suwerte mo kaya."
            "Baket? Siya ba hindi suwerte sa akin?"
           "Aba! Sagutin mo tanong mo no."
           "Mahal ko si Tweet,  Adam. Okay?"
           "Fine."
            "Alis ka ba? O, may nakikipagkita sa Ortigas oh, kliyente. Hindi na raw tumingin ng ibang catering services, refer daw ni Terrence mo. Ikaw na 'to puwede?"
         "Sure. Sige forward mo sa akin. Let's work na."

 
         U  Nagkanya-kanya na kaming harap sa laptop namin. Mukha namang seryoso si Adam sa ginagawa niya. Nagbukas muna ako ng email at nagbakasakaling free si Tweety.

    

Convo:

        "Heeeeelooooo!!! ^___^"
        "O Hi Sugar Honeypie!"
        "Wer you?"
        "Condo."
        "Cancelled nga taping?"
        "Yep. Biglang isinugod sa ospital si Chiffon. Over fatigue daw."
         "Ow…"
         "Dalawin natin later?"
         "Malala ba?"
         "Di naman."
         "Movie na lang tayo later?"
         "Last full show?"
         "Sige! Sige!"
         "Dami clients?"
         "May isa lang next week. May isang prospect mamaya pero kay Adam ko na binigay."
         "Sus! Tinamad na naman honey ko."
         "Miss na kita Hon…."
         "Sus! Miss lapirutin kamo. Kung anu-ano nilalapirot mo sa akin. Akala mo naman naglilihi ka."
        "Eh di gawa na tayong baby…hahahah!"
        "As if?"
        "Hon, I want babies. Madami."
        "Madami? Ilan?"
        "Lima. Four boys, one girl."
        "Whooooaaah!"
        "Pag boys kasi malapit sa Mommy 'yon eh. Kaya isang girl para may prinsesa."
         "Puwede bang isang triplets tas kambal?"
        "Hahaahha!!! Di ko alam, hahhah!!"
        "Ay Hon, mamaya pala punta ka na l.  ang dito sa condo ko ha. Nagpapasama kasi sa duty free Ninang ko. Ipagdrive ko muna. Basta sa place ko na lang tayo muna tayo magkita okay?"

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon