TWEETY'S POV:
Kung alam lang si Sugar kung gaano hiniwa ang puso kong pagmasdan siyang lumalayo para sa akin. Pero ito ang tingin kong dapat.
Modelo siya, nagrerebelde siya sa mga bagay na hindi ko pa alam. Saan ba? Sa work niya? Family? Sa lovelife? Sa sarili? I want to be there for her pero ni hindi ko alam kung saan ako magsisimulang pumasok sa buhay niya.In a way, ako ang nagiging shelter niya pero hanggang kailan? Sa kanya naman na nanggaling na kailangan niyang ayusin ang buhay niya. She needs time. I need time. Masyado lang siguro kaming naooverwhelm sa mga biglaang nagaganap sa amin. At least, hanggang mababaw pa, madali pa kaming makakaahon.
Lumipas ang dalawang linggo na walang namagitang usapan sa amin. Halos mabaliw ako araw-araw sa kakaisip sa kanya kung kamusta na ba siya.
Two weeks ding hindi umuwi si Adam. Ang sabi ni Xander ay may business trip sa Boracay at pilit sabay kinakalimutan ang heartbreak kay Denz. I once talked to Adam and he said na one week niyang kasama si Sugar pero umuwi na rin ng Manila. Ang huling balita ko ay nagkaro'n ng modeling engagement sa Singapore.
Nagfocus ako sa commercial ng JLC. By and by, lumalabas kami ni Blossom. After ng shoot kasi sa JLC ay bumalik ulit sa US si Skylee.
::::::
Nasa bahay ako ngayon ni Blossom. Seventh Birthday ng pamangkin niya at nandito ako para mag-assist sa mga parlor games. Wala akong kapatid kaya't masyado akong malapit sa mga bata. Once a year ay naging panata na rin namin ni Blossom na magconduct ng outreach sa isang orphanage.
"Haaay! Kapagod!" Reklamo ni Blossom habang nagliligpit na kami ng mga kalat.
"Oks lang. Treat mo naman ako ng massage bukas right?"
"Yeah right."
"Ang kukulit ng mga bata grabe! Ang iingay!"
"Ano asahan mo sa bata?"
"Kaya ako tama na ang isa."
"Naku huwag Bloss, malungkot promise. Buhay akong ehemplo."Matapos ang party ay nagpahinga ako sa bahay ni Blossom. "Ano bru, kamusta na ba kayo? Nagpapaka-dalubhasa ka sa work, bugbog naman ang puso mo?" Komento niya.
Niyakap ko ang isang unan ni Blossom at blangkong nakatingin sa kisame.
"Three days na lang, i-eere na ang commercial natin," sabi ko.
"We did a great job Tweetz! For all you know ay may bago na naman tayong project diba? Bakit walang atubiling tinanggap mo ang commercial ng alak na 'yon?"
"Wala lang, para makalimot."
"Nasa'n na ba siya?"
"One week siya sa Boracay. After no'n, hindi na ulit ako nangamusta kay Adam. B-baka sila na ulit nung Ex niya."Sa part ko, ang hirap-hirap banggitin. Inuunti-unti ko naman eh, na kalimutan siya. Na oo, isa lang siyang panaginip na nagdaan. Baka, napag-isip isip din niya sa loob ng dalawang linggo na, pagkakamali ako sa buhay niya. Sumikip ang dibdib ko at di ko namalayang napaluha ako. Lumipat si Blossom sa likuran ko at hinagod ang likod ko.
"You must be really inlove Tweet. Sa buong pagkaka-ibigan natin, ngayon lang pumatak ang luha mo ng dahil sa pag-ibig."
:::::
After three days ay naging successful ang pilot airing ng commercial ng JLC. I didn’t expect na mgiging gano'n ang outcome. Kahit hindi ko na hiningi ay nagdagdag pa ng bonus sina Janna at Cissy sa akin at sa mga crew.
Minsan, iniisip ko, para saan ba lahat ng ginagawa ko? Sa akin? Wala naman akong mga anak? Maayos naman ang mga magulang ko. Halos lahat ng mother and father side ko ay hindi naman naghihirap. Nagpapakapagod ba ako para sa mga charity?
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...